വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക


പരിഭാഷ ആയത്ത്: (35) അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ അൻആം
وَإِن كَانَ كَبُرَ عَلَيۡكَ إِعۡرَاضُهُمۡ فَإِنِ ٱسۡتَطَعۡتَ أَن تَبۡتَغِيَ نَفَقٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَوۡ سُلَّمٗا فِي ٱلسَّمَآءِ فَتَأۡتِيَهُم بِـَٔايَةٖۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَمَعَهُمۡ عَلَى ٱلۡهُدَىٰۚ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Kung nangyaring humirap sa iyo, O Sugo, ang dinaranas mo na pagpapasinungaling nila at pag-ayaw nila sa inihatid mo sa kanila na katotohanan saka kung nakaya mo na humiling ng isang lagusan sa lupa o isang akyatan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang katwiran at isang patotoo, na iba pa sa ipinang-alalay ni Allāh sa iyo, ay gawin mo. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pagsasama sa kanila sa patnubay na inihatid mo ay talaga sanang ipinagsama Niya sila, subalit Siya ay hindi lumuob niyon dahil sa isang malalim na kasanhian. Kaya naman huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang doon para mauwi ang sarili mo sa mga panghihinayang dahil sila ay hindi sumampalataya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
ഈ പേജിലെ ആയത്തുകളിൽ നിന്നുള്ള പാഠങ്ങൾ:
• من عدل الله تعالى أنه يجمع العابد والمعبود والتابع والمتبوع في عَرَصات القيامة ليشهد بعضهم على بعض.
Bahagi ng katarungan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay magsasama sa tagasamba at sinasamba at sa tagasunod at ang sinusunod sa mga larangan ng Pagbangon upang sumaksi ang isa't isa sa kanila.

• ليس كل من يسمع القرآن ينتفع به، فربما يوجد حائل مثل ختم القلب أو الصَّمَم عن الانتفاع أو غير ذلك.
Hindi lahat ng nakikinig sa Qur'ān ay pinakikinabang nito sapagkat baka mayroong isang tagahadlang tulad ng pagkapinid ng puso o pagkabingi sa pakikinabang o iba pa roon.

• بيان أن المشركين وإن كانوا يكذبون في الظاهر فهم يستيقنون في دواخلهم بصدق النبي عليه الصلاة والسلام.
Ang paglilinaw na ang mga tagapagtambal, kahit sila noon ay nagpapasinungaling nang hayagan, sila naman ay nakatitiyak sa mga kaibuturan nila sa katapatan ng Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• تسلية النبي عليه الصلاة والسلام ومواساته بإعلامه أن هذا التكذيب لم يقع له وحده، بل هي طريقة المشركين في معاملة الرسل السابقين.
Ang pag-aaliw sa Propeta – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at ang pagpapalubag-loob sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaalam sa kanya na ang pagpapasinungaling na ito ay hindi naganap sa kanya lamang, bagkus ito ay pamamaraan ng mga tagapagtambal sa pakikitungo sa mga sugong nauna.

 
പരിഭാഷ ആയത്ത്: (35) അദ്ധ്യായം: സൂറത്തുൽ അൻആം
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

അൽ മുഖ്തസ്വർ ഫീ തഫ്സീറിൽ ഖുർആനിൽ കരീം (ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം). മർകസ് തഫ്സീർ പുറത്തിറക്കിയത്.

അടക്കുക