Check out the new design

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ന്നൂർ   ആയത്ത്:
إِنَّ ٱلَّذِينَ جَآءُو بِٱلۡإِفۡكِ عُصۡبَةٞ مِّنكُمۡۚ لَا تَحۡسَبُوهُ شَرّٗا لَّكُمۖ بَلۡ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُم مَّا ٱكۡتَسَبَ مِنَ ٱلۡإِثۡمِۚ وَٱلَّذِي تَوَلَّىٰ كِبۡرَهُۥ مِنۡهُمۡ لَهُۥ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Tunay na ang mga naghatid ng kabulaanan[2] ay isang pulutong kabilang sa inyo. Huwag kayong mag-akalang ito ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo.[3] Ukol sa bawat tao kabilang sa kanila ang kinamit niya mula sa kasalanan. Ang bumalikat sa kalakihan niyon kabilang sa kanila, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat.
[2] laban sa maybahay ng Propeta na si `Ā’ishah
[3] Sapagkat mahahayag ang kawalang-sala ni `Ā’ishah
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لَّوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ ظَنَّ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ بِأَنفُسِهِمۡ خَيۡرٗا وَقَالُواْ هَٰذَآ إِفۡكٞ مُّبِينٞ
Bakit nga ba hindi, noong nakarinig kayo nito, nag-isip ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ng maganda sa mga sarili nila at nagsabing ito ay isang kabulaanang malinaw?
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لَّوۡلَا جَآءُو عَلَيۡهِ بِأَرۡبَعَةِ شُهَدَآءَۚ فَإِذۡ لَمۡ يَأۡتُواْ بِٱلشُّهَدَآءِ فَأُوْلَٰٓئِكَ عِندَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ
Bakit nga ba hindi sila naghatid para rito ng apat na saksi? Kaya kung hindi sila naglahad ng mga saksi, ang mga iyon, sa ganang kay Allāh, ay ang mga sinungaling.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ لَمَسَّكُمۡ فِي مَآ أَفَضۡتُمۡ فِيهِ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa Mundo at Kabilang-buhay ay talaga sanang may sumaling sa inyo, dahil sa pinagtatalakay ninyo, na isang pagdurusang mabigat
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِذۡ تَلَقَّوۡنَهُۥ بِأَلۡسِنَتِكُمۡ وَتَقُولُونَ بِأَفۡوَاهِكُم مَّا لَيۡسَ لَكُم بِهِۦ عِلۡمٞ وَتَحۡسَبُونَهُۥ هَيِّنٗا وَهُوَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمٞ
noong tumatanggap kayo niyon sa pamamagitan ng dila ninyo, nagsasabi kayo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo ng wala kayong kaalaman hinggil doon, at nag-aakala kayong iyon ay magaan samantalang iyon sa ganang kay Allāh ay mabigat.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَوۡلَآ إِذۡ سَمِعۡتُمُوهُ قُلۡتُم مَّا يَكُونُ لَنَآ أَن نَّتَكَلَّمَ بِهَٰذَا سُبۡحَٰنَكَ هَٰذَا بُهۡتَٰنٌ عَظِيمٞ
Bakit nga ba hindi, noong narinig ninyo ito, kayo nagsabi: “Hindi nagiging ukol sa amin na magsalita kami nito. Kaluwalhatian sa Iyo! Ito ay isang paninirang-puring mabigat.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
يَعِظُكُمُ ٱللَّهُ أَن تَعُودُواْ لِمِثۡلِهِۦٓ أَبَدًا إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
Nangangaral sa inyo si Allāh na [huwag] kayong manumbalik sa tulad nito magpakailanman, kung kayo ay mga mananampalataya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَيُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمُ ٱلۡأٓيَٰتِۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Naglilinaw si Allāh sa inyo ng mga talata Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحِبُّونَ أَن تَشِيعَ ٱلۡفَٰحِشَةُ فِي ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Tunay na ang mga umiibig na kumalat ang mahalay sa mga sumasampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ وَأَنَّ ٱللَّهَ رَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, at dahil si Allāh ay Mahabagin, Maawain, [nagmadali sana Siya sa pagparusa sa inyo.]
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ന്നൂർ
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

റബ്‌വ ഇസ്‌ലാമിക് ദഅ്വാ ആൻഡ് ഗൈഡൻസ് സെൻററിൻ്റെയും കോൺടെന്റ് ഇൻ ലാംഗ്വേജസ് സർവീസ് അസോസിയേഷൻ്റെയും സഹകരണത്തോടെ മർകസ് റുവാദ് തർജമ വിഭാഗം വിവർത്തനം ചെയ്തത്.

അടക്കുക