Check out the new design

വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ * - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ദ്ദാരിയാത്ത്   ആയത്ത്:
۞ قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi [si Abraham]: “Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,[4]
[4] na mga tao ni Propeta Lot
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
لِنُرۡسِلَ عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن طِينٖ
upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad,
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
مُّسَوَّمَةً عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُسۡرِفِينَ
tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga nagpapakalabis.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَأَخۡرَجۡنَا مَن كَانَ فِيهَا مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon [sa mga lungsod] kabilang sa mga mananampalataya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَمَا وَجَدۡنَا فِيهَا غَيۡرَ بَيۡتٖ مِّنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga Muslim.[5]
[5] Ibig sabihin: si Propeta Lot at ang dalawang babaing anak niya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَتَرَكۡنَا فِيهَآ ءَايَةٗ لِّلَّذِينَ يَخَافُونَ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَفِي مُوسَىٰٓ إِذۡ أَرۡسَلۡنَٰهُ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٖ
Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَتَوَلَّىٰ بِرُكۡنِهِۦ وَقَالَ سَٰحِرٌ أَوۡ مَجۡنُونٞ
Ngunit tumalikod siya[6] kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.”
[6] Ibig sabihin: si Paraon
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٞ
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَفِي عَادٍ إِذۡ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمُ ٱلرِّيحَ ٱلۡعَقِيمَ
Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
مَا تَذَرُ مِن شَيۡءٍ أَتَتۡ عَلَيۡهِ إِلَّا جَعَلَتۡهُ كَٱلرَّمِيمِ
Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَفِي ثَمُودَ إِذۡ قِيلَ لَهُمۡ تَمَتَّعُواْ حَتَّىٰ حِينٖ
Sa [liping] Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: “Magpakatamasa kayo hanggang sa pansamantala.”
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَعَتَوۡاْ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِمۡ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ وَهُمۡ يَنظُرُونَ
Ngunit nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مِن قِيَامٖ وَمَا كَانُواْ مُنتَصِرِينَ
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَقَوۡمَ نُوحٖ مِّن قَبۡلُۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلسَّمَآءَ بَنَيۡنَٰهَا بِأَيۡيْدٖ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ
Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَٱلۡأَرۡضَ فَرَشۡنَٰهَا فَنِعۡمَ ٱلۡمَٰهِدُونَ
Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَمِن كُلِّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَا زَوۡجَيۡنِ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh].
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
فَفِرُّوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
وَلَا تَجۡعَلُواْ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۖ إِنِّي لَكُم مِّنۡهُ نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw.
അറബി ഖുർആൻ വിവരണങ്ങൾ:
 
പരിഭാഷ അദ്ധ്യായം: ദ്ദാരിയാത്ത്
സൂറത്തുകളുടെ സൂചിക പേജ് നമ്പർ
 
വിശുദ്ധ ഖുർആൻ പരിഭാഷ - ഫിലിപ്പീൻ വിവർത്തനം (തജാലൂജ്) - റുവ്വാദ് തർജമ സെൻ്റർ - വിവർത്തനങ്ങളുടെ സൂചിക

റബ്‌വ ഇസ്‌ലാമിക് ദഅ്വാ ആൻഡ് ഗൈഡൻസ് സെൻററിൻ്റെയും കോൺടെന്റ് ഇൻ ലാംഗ്വേജസ് സർവീസ് അസോസിയേഷൻ്റെയും സഹകരണത്തോടെ മർകസ് റുവാദ് തർജമ വിഭാഗം വിവർത്തനം ചെയ്തത്.

അടക്കുക