Alkʋrãɑn wɑgellã mɑɑnɑ wã lebgre - Alkʋrãan wagellã tafsɩɩrã sẽn kʋʋg koεεga, b sẽn lebg ne Filipiin goamã (Tagalog).

external-link copy
60 : 28

وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتُهَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ

Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyo na anumang bagay, ito ay kabilang sa tinatamasa ninyo at ipinanggagayak ninyo sa buhay na pangmundo, pagkatapos magmamaliw ito. Ang nasa ganang kay Allāh na gantimpalang dakila sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nagtatagal kaysa sa nasa lupa na anumang tinatamasa at gayak. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magtangi kayo sa anumang nananatili higit sa anumang nagmamaliw? info
التفاسير: |
Sẽn be Aayar-rãmbã yõod-rãmba seb-neg-kãngã pʋgẽ:
• العاقل من يؤثر الباقي على الفاني.
Ang nakapag-uunawa ay ang sinumang nagtatangi sa nananatili higit sa nagmamaliw. info

• التوبة تَجُبُّ ما قبلها.
Ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito. info

• الاختيار لله لا لعباده، فليس لعباده أن يعترضوا عليه.
Ang pagpili ay ukol kay Allāh, hindi ukol sa mga lingkod Niya, at hindi ukol sa tao na tumutol roon. info

• إحاطة علم الله بما ظهر وما خفي من أعمال عباده.
Ang pagkakasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa anumang nakalitaw at anumang nakakubli na mga gawain ng mga lingkod Niya. info