पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (172) सूरः: सूरतुल् बकरः
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِلَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos sa inyo ni Allāh at pinayagan Niya para sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh nang lantaran at patago sa ipinagmabuting-loob Niya sa inyo na mga biyaya. Bahagi ng pagpapasalamat sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay na magsagawa kayo ng pagtalima sa Kanya at umiwas kayo sa pagsuway sa Kanya kung kayo ay totoong sumasamba sa Kanya lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• أكثر ضلال الخلق بسبب تعطيل العقل، ومتابعة من سبقهم في ضلالهم، وتقليدهم بغير وعي.
Ang pinakamarami sa pagkaligaw ng mga nilikha ay dahilan sa pagpapatigil sa isip, pagsunod sa nauna sa kanila sa pagkaligaw ng mga iyon, at panggagaya nila nang walang kamalayan.

• عدم انتفاع المرء بما وهبه الله من نعمة العقل والسمع والبصر، يجعله مثل من فقد هذه النعم.
Ang hindi pakikinabang ng tao sa ipinagkaloob sa kanya ni Allāh na biyaya ng isip, pagdinig, at pagtingin ay gumagawa sa kanya na tulad ng nawalan ng mga biyayang ito.

• من أشد الناس عقوبة يوم القيامة من يكتم العلم الذي أنزله الله، والهدى الذي جاءت به رسله تعالى.
Kabilang sa pinakamatindi sa mga tao sa kaparusahan sa Araw ng Pagbangon ay ang sinumang nagtago ng kaalamang pinababa ni Allāh at patnubay na inihatid ng mga sugo Niya – pagkataas-taas Siya.

• من نعمة الله تعالى على عباده المؤمنين أن جعل المحرمات قليلة محدودة، وأما المباحات فكثيرة غير محدودة.
Bahagi ng biyaya ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya ay na ginawa Niya ang mga ipinagbabawal na kakaunti at limitado, at ang mga pinapayagan naman na marami, hindi limitado.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (172) सूरः: सूरतुल् बकरः
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्