पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (257) सूरः: सूरतुल् बकरः
ٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُخۡرِجُهُم مِّنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَوۡلِيَآؤُهُمُ ٱلطَّٰغُوتُ يُخۡرِجُونَهُم مِّنَ ٱلنُّورِ إِلَى ٱلظُّلُمَٰتِۗ أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Si Allāh ay tumatangkilik sa mga sumampalataya sa Kanya: nagtutuon sa kanila, nag-aadya sa kanila, at nagpapalabas sa kanila mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang mga kaagaw [kay Allāh] at ang mga anito, na nagpaganda para sa kanila ng kawalang-pananampalataya kaya nagpalabas ang mga ito sa kanila mula sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman tungo sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman.
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• من أعظم ما يميز أهل الإيمان أنهم على هدى وبصيرة من الله تعالى في كل شؤونهم الدينية والدنيوية، بخلاف أهل الكفر.
Kabilang sa pinakasukdulang ikinatatangi ng mga alagad ng pananampalataya ay na sila ay nasa patnubay at kabatiran mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa lahat ng mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo, bilang kasalungatan naman sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya.

• من أعظم أسباب الطغيان الغرور بالقوة والسلطان حتى يعمى المرء عن حقيقة حاله.
Kabilang sa pinakasukdulan sa mga dahilan ng pagmamalabis ay ang pagkalinlang sa kapangyarihan at kapamahalaan hanggang sa mabulagan ang tao sa reyalidad ng kalagayan niya.

• مشروعية مناظرة أهل الباطل لبيان الحق، وكشف ضلالهم عن الهدى.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagdebate sa mga alagad ng kabulaanan para sa paghahayag ng katotohanan at paglalantad ng pagkaligaw nila palayo sa patnubay.

• عظم قدرة الله تعالى؛ فلا يُعْجِزُهُ شيء، ومن ذلك إحياء الموتى.
Ang kasukdulan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at kabilang doon ang pagbibigay -buhay sa mga patay.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (257) सूरः: सूरतुल् बकरः
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्