पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (179) सूरः: सूरतु अाले इम्रान
مَّا كَانَ ٱللَّهُ لِيَذَرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ عَلَىٰ مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ حَتَّىٰ يَمِيزَ ٱلۡخَبِيثَ مِنَ ٱلطَّيِّبِۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُطۡلِعَكُمۡ عَلَى ٱلۡغَيۡبِ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَجۡتَبِي مِن رُّسُلِهِۦ مَن يَشَآءُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ فَلَكُمۡ أَجۡرٌ عَظِيمٞ
Hindi nangyaring bahagi ng karunungan ni Allāh na magpabaya Siya sa inyo, O mga mananampalataya, sa kalagayang kayo ay naroon gaya ng paghahalubilo sa mga mapagpaimbabaw, kawalang ng pagkakakubukuran sa pagitan ninyo, at kawalang ng pagkakahiwalay ng mga mananampalataya nang totohanan upang magbukod Siya sa inyo sa pamamagitan ng mga uri ng mga tungkulin at mga pagsubok upang malantad ang kaaya-ayang mananampalataya mula sa karima-rimarim na mapagpaimbabaw. Hindi nangyaring bahagi ng karunungan ni Allāh na magpabatid sa inyo hinggil sa Lingid para makapagbukod kayo sa pagitan ng mananampalataya at mapagpaimbabaw, subalit si Allāh ay pumipili mula sa mga sugo Niya ng sinumang niloloob para magpabatid Siya rito ng ilan sa Lingid kung paanong nagpabatid Siya sa Propeta Niyang si Muḥammad – basbasan Niya ito at pangalagaan – ng kalagayan ng mga mapagpaimbabaw. Kaya magpakatotoo kayo sa pananampalataya ninyo kay Allāh at sa Sugo Niya. Kung sasampalataya kayo nang totohanan at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa inyo ay isang gantimpalang sukdulan sa ganang kay Allāh.
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• ينبغي للمؤمن ألا يلتفت إلى تخويف الشيطان له بأعوانه وأنصاره من الكافرين، فإن الأمر كله لله تعالى.
Nararapat para sa mananampalataya na hindi pumansin sa pagpapangamba ng demonyo sa kanya sa pamamagitan ng mga katulong nito at mga tagaadya nito kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat tunay na ang pag-uutos sa kalahatan nito ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• لا ينبغي للعبد أن يغتر بإمهال الله له، بل عليه المبادرة إلى التوبة، ما دام في زمن المهلة قبل فواتها.
Hindi nararapat sa tao na malinlang dahil sa pagpapalugit ni Allāh sa kanya, bagkus kailangan sa kanya ang pagdadali-dali sa pagbabalik-loob kay Allāh hanggat nasa panahon ng palugit bago ng paglipas nito.

• البخيل الذي يمنع فضل الله عليه إنما يضر نفسه بحرمانها المتاجرة مع الله الكريم الوهاب، وتعريضها للعقوبة يوم القيامة.
Ang maramot na nagkakait sa kabutihang-loob ni Allāh sa kanya ay namiminsala lamang ng sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng pakikipagkalakalan kay Allāh, ang Mapagbigay, ang Mapagkaloob, at ng paghahantad dito sa kaparusahan sa Araw ng Pagbangon.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (179) सूरः: सूरतु अाले इम्रान
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्