पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (2) सूरः: सूरतुल् माइदः
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تُحِلُّواْ شَعَٰٓئِرَ ٱللَّهِ وَلَا ٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَلَا ٱلۡهَدۡيَ وَلَا ٱلۡقَلَٰٓئِدَ وَلَآ ءَآمِّينَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ يَبۡتَغُونَ فَضۡلٗا مِّن رَّبِّهِمۡ وَرِضۡوَٰنٗاۚ وَإِذَا حَلَلۡتُمۡ فَٱصۡطَادُواْۚ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ أَن صَدُّوكُمۡ عَنِ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ أَن تَعۡتَدُواْۘ وَتَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡبِرِّ وَٱلتَّقۡوَىٰۖ وَلَا تَعَاوَنُواْ عَلَى ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
O mga sumampalataya, huwag kayong lumapastangan sa mga ipinagbabawal ni Allāh na nag-utos sa inyo ng paggalang sa mga ito. Magpigil kayo sa mga pinipigilan sa iḥrām gaya ng pagsusuot ng tinahian at sa mga ipinagbabawal sa Ḥaram gaya ng pangangaso. Huwag kayong lumapastangan [sa pagbabawal] sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan: ang Dhul Qa`dah, ang Dhul Hijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab. Huwag kayong lumapastangan sa inihahandog, [na dinala] sa Ḥaram na mga hayupan upang ialay kay Allāh doon, sa pamamagitan ng pangangamkam at tulad nito o ng pagpigil sa pag-abot nito sa pook nito. Huwag kayong lumapastangan sa hayop na sinuutan ng kuwintas yari sa lana o iba pa rito para sa pagpaparamdam na ito ay alay. Huwag kayong lumapastangan sa mga nagsasadya sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh, na naghahanap ng tubo sa pangangalakal at ng kaluguran ni Allāh. Kapag kumalas kayo sa iḥrām sa isang ḥajj o isang `umrah at lumabas kayo mula sa Ḥaram ay mangaso kayo kung niloob ninyo. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilan sa mga tao, dahil sa pagbalakid nila sa inyo sa Masjid na Pinakababanal, sa pang-aapi at pag-iwan sa katarungan sa kanila. Magtulungan kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng ipinag-utos sa inyo at pag-iwan sa sinaway sa inyo. Huwag kayong magtulungan sa mga pagsuway na nagkakasala ang tagagawa nito at sa paglabag sa mga nilikha sa buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pananatili sa pagtalima sa Kanya at paglayo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• عناية الله بجميع أحوال الورثة في تقسيم الميراث عليهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa lahat ng mga kalagayan ng mga tagapagmana sa paghahati ng pamana sa kanila.

• الأصل هو حِلُّ الأكل من كل بهيمة الأنعام، سوى ما خصه الدليل بالتحريم، أو ما كان صيدًا يعرض للمحرم في حجه أو عمرته.
Ang batayang panuntunan ay ang pagpapahintulot sa pagkain ng hayop ng mga hayupan maliban sa itinangi ng patunay sa pagbabawal o sa anumang hayop na pinangangaso na lumilitaw sa muḥrim sa ḥajj niya o `umrah niya.

• النهي عن استحلال المحرَّمات، ومنها: محظورات الإحرام، والصيد في الحرم، والقتال في الأشهر الحُرُم، واستحلال الهدي بغصب ونحوه، أو مَنْع وصوله إلى محله.
Ang pagsaway sa paglapastangan sa mga ipinagbabawal. Kabilang sa mga ito ang mga pinipigil sa iḥrām, ang pangangaso sa Ḥaram, ang pakikipaglaban sa mga banal na buwan, at ang paglapastangan sa alay sa pamamagitan ng pagkamkam at tulad nito o pagpigil sa pag-abot nito sa pinag-aalayan nito.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (2) सूरः: सूरतुल् माइदः
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्