पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (10) सूरः: सूरतुल् मुमतहिना
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga lumikas mula sa lupain ng kawalang-pananampalataya tungo sa lupain ng Islām ay subukin ninyo sila sa katapatan ng pananampalataya nila. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa kinikimkim ng mga puso nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya matapos ng pagsubok sa pamamagitan ng lumilitaw sa inyo na katapatan nila, huwag kayong magsauli sa kanila sa mga asawa nilang mga tagatangging sumampalataya. Hindi ipinahihintulot sa mga babaing mananampalataya na mag-asawa ng mga tagatangging sumampalataya at hindi ipinahihintulot para sa mga tagatangging sumampalataya na mag-asawa ng mga babaing mananampalataya. Magbigay kayo sa mga maybahay ng mga ito ng ipinagkaloob ng mga ito na mga bigay-kaya sa kanila. Walang kasalanan sa inyo, O mga mananampalataya, na mag-asawa kayo sa kanila matapos ng pagwawakas ng `iddah nila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Ang sinumang ang maybahay niya ay isang babaing tagatangging sumampalataya o tumalikod sa Islām ay huwag siyang magpanatili sa babae dahil sa pagkaputol ng kasal nilang dalawa dahil sa kawalang-pananampalataya ng babae. Hingin ninyo sa mga tagatangging sumampalataya ang ipinagkaloob ninyo na mga bigay-kaya sa mga maybahay ninyong tumalikod sa Islām at hingin naman ng mga ito ang ipinagkaloob ng mga ito na mga bigay-kaya sa mga maybahay ng mga ito na yumakap sa Islām. Ang nabanggit na iyon na pagbawi sa mga bigay-kaya mula sa panig ninyo at mula sa panig ng mga ito ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – ayon sa anumang niloloob Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at mga gawain nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Marunong sa anumang isinasabatas Niya para sa mga lingkod Niya.
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• في تصريف الله القلب من العداوة إلى المودة، ومن الكفر إلى الإيمان إشارة إلى أن قلوب العباد بين إصبعين من أصابعه سبحانه، فليطلب العبد منه الثبات على الإيمان.
Sa pagpapabaling ni Allāh sa puso mula sa pagkamuhi tungo sa pagmamahal at mula sa kawalang-pananampalataya tungo sa pananampalataya ay may isang pahiwatig na ang mga puso ng mga tao ay nasa pagitan ng dalawa sa mga daliri Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya humiling ang tao mula sa Kanya ng katatagan sa pananampalataya.

• التفريق في الحكم بين الكفار المحاربين والمسالمين.
Ang pagpapaiba sa hatol sa pagitan ng mga tagatangging sumampalataya na mga nakikipagdigmaan at mga nakikipagpayapaan.

• حرمة الزواج بالكافرة غير الكتابية ابتداءً ودوامًا، وحرمة زواج المسلمة من كافر ابتداءً ودوامًا.
Ang pagkabawal ng pag-aasawa sa babaing tagatangging sumampalataya na hindi kitābīyah (Kristiyana o Hudya) sa simula at palagian, at ang pagkabawal ng pag-aasawa ng babaing Muslim sa isang tagatangging sumampalataya sa simula at palagian.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (10) सूरः: सूरतुल् मुमतहिना
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्