पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । * - अनुवादहरूको सूची


अर्थको अनुवाद श्लोक: (129) सूरः: सूरतुल् अअराफ
قَالُوٓاْ أُوذِينَا مِن قَبۡلِ أَن تَأۡتِيَنَا وَمِنۢ بَعۡدِ مَا جِئۡتَنَاۚ قَالَ عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يُهۡلِكَ عَدُوَّكُمۡ وَيَسۡتَخۡلِفَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرَ كَيۡفَ تَعۡمَلُونَ
Nagsabi kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang mga kalipi ni Moises kabilang sa mga anak ni Israel: "O Moises, sinulit kami sa kamay ni Paraon sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaking anak namin at pagpapanatiling-buhay sa mga kababaihan namin bago pa ng pagdating mo sa amin at nang matapos niyon." Nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagpapayo sa kanila at nagbabalita ng nakalulugod hinggil sa pagpapaginhawa: "Marahil ang Panginoon ninyo ay magpapahamak sa kaaway ninyong si Paraon at mga tao niya, at magpapatatag sa inyo sa lupain matapos nila para tumingin Siya sa gagawin ninyo, matapos niyon, na pagkilala o pagtanggi sa utang na loob."
अरबी व्याख्याहरू:
यस पृष्ठको अायतहरूका लाभहरूमध्येबाट:
• موقف السّحرة وإعلان إيمانهم بجرأة وصراحة يدلّ على أنّ الإنسان إذا تجرّد عن هواه، وأذعن للعقل والفكر السّليم بادر إلى الإيمان عند ظهور الأدلّة عليه.
Ang paninindigan ng mga manggagaway at ang pagpapahayag ng pananampalataya nila nang may kalakasang-loob at katahasan ay nagpapatunay na ang tao, kapag natanggalan ng pithaya niya at nagpahinuhod sa matinong pag-iisip at ideya, ay nagdadali-dali sa pananampalataya sa sandali ng paglitaw ng mga patunay sa kanya.

• أهل الإيمان بالله واليوم الآخر هم أشدّ الناس حزمًا، وأكثرهم شجاعة وصبرًا في أوقات الأزمات والمحن والحروب.
Ang mga may pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay ang pinakamatindi sa mga tao sa pagkadisidido at ang pinakahigit sa kanila sa katapangan at pagtitiis sa mga oras ng mga krisis, mga pagsubok, at mga digmaan.

• المنتفعون من السّلطة يُحرِّضون ويُهيِّجون السلطان لمواجهة أهل الإيمان؛ لأن في بقاء السلطان بقاء لمصالحهم.
Ang mga nakikinabang sa kapamahalaan ay nag-uudyok at nanunulsol sa pamahalaan para makipagharap sa mga may pananampalataya dahil nasa pananatili ng pamahalaan ang pananatili ng mga kapakanan nila.

• من أسباب حبس الأمطار وغلاء الأسعار: الظلم والفساد.
Kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapigil ng mga ulan at pagtaas ng mga presyo ay ang kawalang-katarungan at ang katiwalian.

 
अर्थको अनुवाद श्लोक: (129) सूरः: सूरतुल् अअराफ
अध्यायहरूको (सूरःहरूको) सूची رقم الصفحة
 
पवित्र कुरअानको अर्थको अनुवाद - पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद । - अनुवादहरूको सूची

पवित्र कुर्आनको संक्षिप्त व्याख्याको फिलिपिनी (तागालोग) भाषामा अनुवाद, तफ्सीर सेन्टरद्वारा प्रकाशित ।

बन्द गर्नुस्