Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (214) Surah: Soerat Albaqarah (De Koe)
أَمۡ حَسِبۡتُمۡ أَن تَدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ وَلَمَّا يَأۡتِكُم مَّثَلُ ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلِكُمۖ مَّسَّتۡهُمُ ٱلۡبَأۡسَآءُ وَٱلضَّرَّآءُ وَزُلۡزِلُواْ حَتَّىٰ يَقُولَ ٱلرَّسُولُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ مَتَىٰ نَصۡرُ ٱللَّهِۗ أَلَآ إِنَّ نَصۡرَ ٱللَّهِ قَرِيبٞ
O nagpapalagay ba kayo, O mga mananampalataya, na papasok kayo sa Paraiso samantalang walang dumapo sa inyo na isang pagsubok tulad ng pagsubok sa mga lumipas bago pa ninyo, yayamang dumapo sa kanila ang katindihan ng karukhaan at sakit at yumanig sa kanila ang mga pangamba hanggang sa nagpaabot sa kanila ang pagsubok sa pagmamadali sa pag-aadya ni Allāh? Kaya nagsasabi ang sugo at ang mga mananampalataya kasama niya: "Kailan darating ang pag-aadya ni Allāh?" Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni Allāh ay malapit sa mga mananampalataya sa Kanya, na mga nananalig sa Kanya!
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• ترك شكر الله تعالى على نعمه وترك استعمالها في طاعته يعرضها للزوال ويحيلها بلاءً على صاحبها.
Ang pagtigil sa pagpapasalamat kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga biyaya Niya at ang pagtigil sa paggamit sa mga ito sa pagtalima sa Kanya ay nagsasailalim sa mga ito sa paglaho at nagpapabagong-anyo sa mga ito na maging kasawiang-palad sa nagtataglay ng mga ito.

• الأصل أن الله خلق عباده على فطرة التوحيد والإيمان به، وإبليس وأعوانه هم الذين صرفوهم عن هذه الفطرة إلى الشرك به.
Ang pangunahing layon ay na si Allāh ay lumikha sa mga lingkod Niya ayon sa kalikasan ng pagsunod sa Tawḥīd at pananampalataya rito samantalang sina Satanas at ang mga katulong nito ay ang mga nagbaling sa kanila palayo sa kalikasang ito patungo sa Shirk.

• أعظم الخذلان الذي يؤدي للفشل أن تختلف الأمة في كتابها وشريعتها، فيكفّر بعضُها بعضًا، ويلعن بعضُها بعضًا.
Ang pinakamabigat na pagtatatwang humahantong sa kabiguan ay magkaiba-iba ang kalipunan sa kasulatan nito at batas nito kaya nagpaparatang sila sa isa't isa ng kawalang pananampalataya at sumusumpa sa isa't isa.

• الهداية للحق الذي يختلف فيه الناس، ومعرفة وجه الصواب بيد الله، ويُطلب منه تعالى بالإيمان به والانقياد له.
Ang kapatnubayan para sa katotohanang nagkaiba-iba hinggil dito ang mga tao at ang pagkakilala sa punto ng pagkatama ay nasa kamay ni Allāh, at hinihiling ito mula sa Kanya – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya at pagpapaakay sa Kanya.

• الابتلاء سُنَّة الله تعالى في أوليائه، فيبتليهم بقدر ما في قلوبهم من الإيمان به والتوكل عليه.
Ang pagsubok ay kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga tinatangkilik Niya kaya sumusubok Siya sa kanila ayon sa sukat ng nasa mga puso nila na pananampalataya sa Kanya at pananalig sa Kanya.

• من أعظم ما يعين على الصبر عند نزول البلاء، الاقتداء بالصالحين وأخذ الأسوة منهم.
Kabilang sa pinakasukdulan na tumutulong sa pagtitiis sa sandali ng pagbaba ng pagsubok ay ang paggaya sa mga maayos at ang pagkuha ng halimbawa sa kanila.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (214) Surah: Soerat Albaqarah (De Koe)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit