Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (258) Surah: Soerat Albaqarah (De Koe)
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِي حَآجَّ إِبۡرَٰهِـۧمَ فِي رَبِّهِۦٓ أَنۡ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُ ٱلۡمُلۡكَ إِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّيَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ قَالَ أَنَا۠ أُحۡيِۦ وَأُمِيتُۖ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ فَإِنَّ ٱللَّهَ يَأۡتِي بِٱلشَّمۡسِ مِنَ ٱلۡمَشۡرِقِ فَأۡتِ بِهَا مِنَ ٱلۡمَغۡرِبِ فَبُهِتَ ٱلَّذِي كَفَرَۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Nakaalam ka ba, O Propeta, ng higit na kataka-taka kaysa sa kapangahasan ng maniniil na nakipagtalo kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – hinggil sa pagkapanginoon ni Allāh at paniniwala sa kaisahan Niya? Naganap nga sa kanya iyon dahil si Allāh ay nagbigay sa kanya ng paghahari kaya nagmalabis siya. Nilinaw sa kanya ni Abraham ang mga katangian ng Panginoon nito, na nagsasabi: "Ang Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay sa mga nilikha at nagbibigay-kamatayan sa mga ito." Nagsabi ang maniniil bilang pagmamatigas: "Ako ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan sa pamamagitan ng pagpatay ko sa sinumang niloloob ko at pagpapaumanhin ko sa sinumang niloloob ko." Kaya nagdala sa kanya si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng isa pang katwirang higit na mabigat. Nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ang Panginoon kong sinasamba ko ay nagpaparating sa araw mula sa dakong silangan kaya magparating ka nito mula sa dakong kanluran." Kaya walang nangyari sa maniniil kundi nalito siya, kinapos siya ng katwiran, at nadaig siya dahil sa lakas ng katwiran. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagalabag sa katarungan para sa pagtahak sa landas Niya dahil sa kawalang-katarungan nila at pagmamalabis nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• من أعظم ما يميز أهل الإيمان أنهم على هدى وبصيرة من الله تعالى في كل شؤونهم الدينية والدنيوية، بخلاف أهل الكفر.
Kabilang sa pinakasukdulang ikinatatangi ng mga alagad ng pananampalataya ay na sila ay nasa patnubay at kabatiran mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa lahat ng mga kapakanan nilang panrelihiyon at pangmundo, bilang kasalungatan naman sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya.

• من أعظم أسباب الطغيان الغرور بالقوة والسلطان حتى يعمى المرء عن حقيقة حاله.
Kabilang sa pinakasukdulan sa mga dahilan ng pagmamalabis ay ang pagkalinlang sa kapangyarihan at kapamahalaan hanggang sa mabulagan ang tao sa reyalidad ng kalagayan niya.

• مشروعية مناظرة أهل الباطل لبيان الحق، وكشف ضلالهم عن الهدى.
Ang pagkaisinasabatas ng pakikipagdebate sa mga alagad ng kabulaanan para sa paghahayag ng katotohanan at paglalantad ng pagkaligaw nila palayo sa patnubay.

• عظم قدرة الله تعالى؛ فلا يُعْجِزُهُ شيء، ومن ذلك إحياء الموتى.
Ang kasukdulan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at kabilang doon ang pagbibigay -buhay sa mga patay.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (258) Surah: Soerat Albaqarah (De Koe)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit