Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Al-Moeminoen   Vers:

Al-Mu’minūn

Het doel van deze surah:
بيان فلاح المؤمنين وخسران الكافرين.
Ang paglilinaw sa tagumpay ng mga mananampalataya at pagkalugi ng mga tagatangging sumampalataya.

قَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Nagwagi nga ang mga mananampalataya kay Allāh, na mga gumagawa ayon sa Batas Niya, sa pagtamo ng hinihiling nila at pagkaligtas mula sa pinangingilabutan nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapakaaba, na napanatag nga rito ang mga bahagi ng katawan nila, at naalisan ang mga puso nila ng mga tagapagbagabag.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنِ ٱللَّغۡوِ مُعۡرِضُونَ
na sila sa kabulaanan, paglilibang, at anumang may pagsuway kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa ay mga tagaayaw,
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِلزَّكَوٰةِ فَٰعِلُونَ
na sila – para sa pagdadalisay ng mga sarili nila mula sa mga bisyo at pagdadalisay ng mga yaman nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng zakāh ng mga ito – ay mga tagapagsagawa,
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
na sila sa mga ari nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pangangalunya, sodomiya, at mga mahalay ay mga tagapag-ingat sapagkat sila ay mga mabini, mga dalisay,
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga asawa nila o inari nilang babaing alipin sapagkat tunay na sila ay hindi masisisi sa pagpapakaligaya sa kanila sa pagtatalik at iba pa,
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
ngunit ang sinumang nagmithi ng pagpapakaligaya sa iba pa sa mga maybahay o mga babaing alipin niya na minamay-ari niya, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglampas sa ipinahintulot sa kanya na pagtatamasa patungo sa ipinagbawal sa kanya mula roon,
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
na sila sa anumang ipinagkatiwala sa kanila ni Allāh o ipinagkatiwala sa kanila ng mga lingkod Niya at sa mga kasunduan sa kanila ay mga tagapangalaga: hindi sila nagpapabaya sa mga ito, bagkus tumutupad sila sa mga ito,
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَوَٰتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga sa pamamagitan ng pagpapamalagi sa mga ito at sa pagsasagawa sa mga ito sa mga oras ng mga ito ayon sa mga saligan (rukn) ng mga ito, mga tungkulin (wājib) sa mga ito, at mga itinuturing na kaibig-ibig (mustaḥabb) sa mga ito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tagapagmana,
Arabische uitleg van de Qur'an:
ٱلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡفِرۡدَوۡسَ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
na mga magmamana ng pinakamataas na paraiso. Sila roon ay mga mamamalagi magpakailanman: hindi mapuputol ang kaginhawahan nila roon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن طِينٖ
Talaga ngang lumikha Kami ng ama ng sangkatauhan na si Adan mula sa putik, na kinuha ang alabok nito mula sa sangkap na hinango mula sa tubig na hinaluan ng alabok ng lupa.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ جَعَلۡنَٰهُ نُطۡفَةٗ فِي قَرَارٖ مَّكِينٖ
Pagkatapos lumikha Kami sa mga supling niya na nagdadamihan mula sa isang patak na namamalagi sa sinapupunan hanggang sa oras ng panganganak.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ خَلَقۡنَا ٱلنُّطۡفَةَ عَلَقَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡعَلَقَةَ مُضۡغَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡمُضۡغَةَ عِظَٰمٗا فَكَسَوۡنَا ٱلۡعِظَٰمَ لَحۡمٗا ثُمَّ أَنشَأۡنَٰهُ خَلۡقًا ءَاخَرَۚ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ أَحۡسَنُ ٱلۡخَٰلِقِينَ
Kaya lumikha Kami matapos ng patak na iyon na namamalagi sa sinapupunan bilang pulang malalinta. Pagkatapos lumikha Kami sa pulang malalintang iyon bilang gaya ng isang piraso ng lamang nginuya, saka lumikha Kami sa piraso ng laman na iyon bilang mga butong nanigas, saka nagpadamit Kami sa mga butong iyon ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa rito at pagpapalabas rito tungo sa buhay. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa paggawa sa mga tagalikha.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ إِنَّكُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, O mga tao, matapos na dumaan kayo sa mga baytang na iyon, ay mamamatay sa sandali ng pagwawakas ng mga taning ninyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تُبۡعَثُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, matapos ng kamatayan ninyo, ay bubuhayin mula sa mga libingan ninyo sa Araw ng Pagbangon upang tuusin kayo sa ipinauna ninyo na gawa.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعَ طَرَآئِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ ٱلۡخَلۡقِ غَٰفِلِينَ
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo, O mga tao, ng pitong langit na nasa ibabaw ng isa't isa. Hindi Kami naging nalilingat sa paglikha Namin ni nakalilimot dito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• للفلاح أسباب متنوعة يحسن معرفتها والحرص عليها.
Ang tagumpay ay may mga kadahilanang nagkakauri-uri na nakabubuti ang malaman ang mga ito at ang magsigasig sa mga ito.

• التدرج في الخلق والشرع سُنَّة إلهية.
Ang pagbabaytang-baytang sa paglikha at pagbabatas ay isang kalakarang pandiyos.

• إحاطة علم الله بمخلوقاته.
Ang pakakasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga nilikha Niya.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Al-Moeminoen
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit