Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Asj-Sjoaraa   Vers:
قَالَ وَمَا عِلۡمِي بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Nagsabi sa kanila si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dating ginagawa ng mga mananampalatayang ito? Ako ay hindi katiwala sa kanila, na nag-iisa-isa sa mga gawain nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّيۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ
Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa kay Allāh na nakaaalam sa mga kalihim-lihiman nila at mga kahayag-hayagan nila at hindi sa akin. Kung sakaling nakararamdam kayo sa sinabi ninyo ay hindi sana kayo magsasabi nito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Hindi ako magtataboy sa mga mananampalataya palayo sa pinag-uupuan ko bilang pagtugon sa hiling ninyo upang sumampalataya kayo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Walang iba ako kundi isang mapagbabalang maliwanag ang pagbabala; pinag-iingat ko kayo sa pagdurusang dulot ni Allāh."
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Talagang kung hindi ka magpipigil sa inaanyaya mo sa amin, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga lalaitin at mga papatayin sa pamamagitan ng pagpukol ng mga bato."
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِي كَذَّبُونِ
Nagsabi si Noe habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin at hindi nagpatotoo sa akin sa dinala ko mula sa ganang Iyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَٱفۡتَحۡ بَيۡنِي وَبَيۡنَهُمۡ فَتۡحٗا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya humatol Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghahatol na magpapahamak sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kabulaanan. Sagipin Mo ako at ang sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya mula sa anumang ipinapampahamak Mo sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan ko."
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Kaya naman tumugon Kami sa panalangin niya at nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa daong na pinuno ng mga tao at mga hayop.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِينَ
Pagkatapos nilunod Namin, matapos nila, ang mga naiiwan, na mga kababayan ni Noe.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon mula sa kasaysayan ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng mga kababayan niya, pagkaligtas ni Noe at sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya, at pagkapahamak ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَذَّبَتۡ عَادٌ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo nang nagpasinungaling sila sa sugo nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ
Banggitin mo nang nagsabi sa kanila ang kapatid nila sa kaangkanan na si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh, sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, dala ng pangamba sa Kanya?
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong isinugo ni Allāh sa inyo, na mapagkatitiwalaan: hindi ako nagdaragdag sa anumang ipinag-utos ni Allāh sa akin na ipaabot at hindi ako nagbabawas.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-utos ko sa inyo at sa anumang sinaway ko sa inyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihiling sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko; walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha, hindi nasa iba pa sa Kanya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةٗ تَعۡبَثُونَ
Nagpapatayo ba kayo, sa bawat mataas na pook na makatatanaw [kayo], ng isang gusaling palatandaan dala ng pagbibiru-biro, na walang silbing maidudulot sa inyo sa Mundo ninyo o Kabilang-buhay ninyo?
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ
Gumagawa ba kayo ng mga kuta at mga palasyo na para bang kayo ay mananatili sa Mundong ito at hindi kayo lilipat buhat dito?
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِينَ
Kapag lumantak kayo sa pagpatay o paghagupit ay lumalantak kayo gaya ng mga maniniil nang walang habag ni awa.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-uutos ko sa inyo at anumang sinasaway ko sa inyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِيٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ
Mangamba kayo kay Allāh laban sa pagkainis ni Allāh na nagbigay sa inyo mula sa mga biyaya Niya na nalalaman ninyo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَمَدَّكُم بِأَنۡعَٰمٖ وَبَنِينَ
Nagbigay sa inyo ng mga hayupan at nagbigay sa inyo ng mga anak.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَجَنَّٰتٖ وَعُيُونٍ
Nagbigay Siya sa inyo ng mga taniman at mga bukal na dumadaloy.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi ko, ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَٰعِظِينَ
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Nagkakapantay sa ganang amin ang pagpapaalaala mo sa amin at ang kawalan ng pagpapaalaala mo sapagkat hindi kami sasampalataya sa iyo at hindi kami aalis sa kalagayang kami ay naroon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• أفضلية أهل السبق للإيمان حتى لو كانوا فقراء أو ضعفاء.
Ang kalamangan ng mga may pangunguna sa pananampalataya kahit pa man sila ay naging mga maralita o mga mahina.

• إهلاك الظالمين، وإنجاء المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagalabag sa katarungan at ang pagliligtas sa mga mananampalataya ay makadiyos na kalakaran (sunnah).

• خطر الركونِ إلى الدنيا.
Ang panganib ng pagsandig sa Mundo.

• تعنت أهل الباطل، وإصرارهم عليه.
Ang katigasan ng ulo ng mga alagad ng kabulaanan at ang pagpupumilit nila roon.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Asj-Sjoaraa
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit