Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (49) Surah: Soerat Asj-Sjoaraa (De Dichters)
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَ فَلَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila: "Naniwala ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang siya ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Nagsabwatan kayong lahat sa pagpapalisan sa mga mamamayan ng Ehipto mula sa Ehipto kaya talagang malalaman ninyo ang ibabagsak ko sa inyo na parusa. Talagang magpuputul-putol nga ako ng paa ng bawat isa at ng kamay niya nang magkabilaan sa mga ito sa pamamagitan ng pagputol sa kanang paa kaalinsabay ng kaliwang kamay, o kabaliktaran. Talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama sa mga troso ng punong-datiles. Hindi ako magtitira mula sa inyo ng isa man."
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• العلاقة بين أهل الباطل هي المصالح المادية.
Ang ugnayan sa pagitan ng mga alagad ng kabulaanan ay ang mga kapakanang materyal.

• ثقة موسى بالنصر على السحرة تصديقًا لوعد ربه.
Ang tiwala ni Moises sa pag-aadya laban sa mga manggagaway ay bilang pagpapatotoo sa pangako ng Panginoon niya.

• إيمان السحرة برهان على أن الله هو مُصَرِّف القلوب يصرفها كيف يشاء.
Ang pagsampalataya ng mga manggagaway ay patotoo na si Allāh ay tagapagpabaling ng mga puso, na ibinabaling Niya kung papaano Niyang niloloob.

• الطغيان والظلم من أسباب زوال الملك.
Ang paniniil at ang kawalang-katarungan ay kabilang sa mga kadahilanan ng paglaho ng paghahari.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (49) Surah: Soerat Asj-Sjoaraa (De Dichters)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit