Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (33) Surah: Soerat Aal-Imraan ( Het Huis van Imraan )
۞ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰٓ ءَادَمَ وَنُوحٗا وَءَالَ إِبۡرَٰهِيمَ وَءَالَ عِمۡرَٰنَ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na si Allāh ay pumili kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka pinagpatirapa Niya rito ang mga anghel, pumili kay Noe saka ginawa Niya ito na kauna-unahang sugo sa mga tao ng lupa, pumili sa mag-anak ni Abraham saka ginawa Niya ang pagkapropeta na nanatili sa mga supling nito, pumili sa mag-anak ni `Imrān, at pumili sa lahat ng mga ito at nagtangi sa kanila higit sa mga tao ng panahon nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• عظم مقام الله وشدة عقوبته تجعل العاقل على حذر من مخالفة أمره تعالى.
Ang kadakilaan ng kalagayan ni Allāh at tindi ng kaparusahan Niya ay nagtutulak sa nakauunawa sa pag-iingat sa pagsalungat sa utos Niya – pagkataas-taas Siya.

• برهان المحبة الحقة لله ولرسوله باتباع الشرع أمرًا ونهيًا، وأما دعوى المحبة بلا اتباع فلا تنفع صاحبها.
Ang patunay ng pag-ibig na totoo kay Allāh at sa Sugo Niya ay sa pamamagitan ng pagsunod sa Batas ng Islām sa pag-uutos at pagsaway. Tungkol naman sa pag-aangkin ng pag-ibig nang walang pagsunod, hindi magpapakinabang ito sa gumagawa nito.

• أن الله تعالى يختار من يشاء من عباده ويصطفيهم للنبوة والعبادة بحكمته ورحمته، وقد يخصهم بآيات خارقة للعادة.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay pumipili ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at humihirang sa kanila dahil sa pagkapropeta at pagsamba sa pamamagitan ng karunungan Niya at awa Niya. Maaaring magtangi Siya sa kanila sa mga himalang naiiba sa karaniwan.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (33) Surah: Soerat Aal-Imraan ( Het Huis van Imraan )
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit