Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Gafier   Vers:
وَلَقَدۡ جَآءَكُمۡ يُوسُفُ مِن قَبۡلُ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا زِلۡتُمۡ فِي شَكّٖ مِّمَّا جَآءَكُم بِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا هَلَكَ قُلۡتُمۡ لَن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِهِۦ رَسُولٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ مُّرۡتَابٌ
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose noong bago pa ni Moises ng mga patotoong maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa at isang pagpapasinungaling sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang pinapanaw siya, nadagdagan kayo ng isang pagdududa at isang pag-aalinlangan at nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh noong matapos niya ng isang sugo." Tulad ng pagkaligaw ninyong ito palayo sa katotohanan, magliligaw si Allāh sa bawat sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na nagdududa sa kaisahan Niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡۖ كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلۡبِ مُتَكَبِّرٖ جَبَّارٖ
Ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh upang magpabula sila sa mga ito nang walang katwiran ni patotoong pumunta sa kanila ay lumaki ang pakikipagtalo nila sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Kung paanong nagpasak si Allāh sa mga puso ng mga nakikipag-alitang ito hinggil sa mga tanda Niya para sa pagpapabula sa mga ito, magpapasak si Allāh sa bawat pusong nagmamalaki sa paglayo sa katotohanan, na nagpapakamapaniil, kaya hindi ito napapatnubayan tungo sa katumpakan at hindi nagagabayan tungo sa kabutihan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰهَٰمَٰنُ ٱبۡنِ لِي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَبۡلُغُ ٱلۡأَسۡبَٰبَ
Nagsabi si Paraon sa katuwang niyang si Hāmān: "O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang mataas na gusali, sa pag-asang aabot ako sa mga daan:
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَسۡبَٰبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ كَٰذِبٗاۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَصُدَّ عَنِ ٱلسَّبِيلِۚ وَمَا كَيۡدُ فِرۡعَوۡنَ إِلَّا فِي تَبَابٖ
Sa pag-asang umabot ako sa mga daan ng mga langit, na nagpaparating sa mga iyon para makatingin ako sa sinasamba ni Moises, na naghahaka-haka na si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay isang sinungaling sa anumang inaangkin niya." Gayon pinaganda para kay Paraon ang kapangitan ng gawain niya nang humiling siya ng hiniling niya kay Hāmān. Inilihis siya palayo sa daan ng katotohanan patungo sa mga daan ng pagkaligaw. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon – para pangibabawin ang kabulaanan niyang siya ay nakabatay roon at pabulaanan ang katotohanang inihatid ni Moises – kundi nasa isang pagkalugi dahil ang kauuwian nito ay ang kabiguan, ang pagpapabigo sa pagpupunyagi niya, at ang kalumbayang hindi mapuputol magpakailanman.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُونِ أَهۡدِكُمۡ سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Nagsabi ang lalaking sumampalataya kabilang sa mag-anak ni Paraon, habang nagpapayo sa mga kababayan niya at gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo at gagabay ako sa inyo tungo sa daan ng pagkatama at kapatnubayan tungo sa katotohanan."
Arabische uitleg van de Qur'an:
يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا مَتَٰعٞ وَإِنَّ ٱلۡأٓخِرَةَ هِيَ دَارُ ٱلۡقَرَارِ
O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang pagtatamasa lamang ng mga sarap na mapuputol kaya huwag luminlang ito sa inyo sa pamamagitan ng anumang narito na tinatamasang nahihinto. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay kalakip ng naroon na kaginhawahang mamamalaging hindi napuputol ay ang tahanan ng pamamalagi at pananatili. Kaya gumawa kayo para roon sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at mangilag kayo sa pagpapakaabala sa buhay ninyong pangmundo sa halip ng paggawa para sa Kabilang-buhay.
Arabische uitleg van de Qur'an:
مَنۡ عَمِلَ سَيِّئَةٗ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَاۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ يُرۡزَقُونَ فِيهَا بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawain ay hindi parurusahan malibang ayon sa tulad sa ginawa niya at hindi magdaragdag sa kanya ng parusa. Ang sinumang gumawa ng maayos na gawain, na naghahangad sa pamamagitan nito ng [kasiyahan ng] mukha ni Allāh, lalaki man ang gumagawa o babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang kapuri-puring iyon ay papasok sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon. Magtutustos sa kanila si Allāh mula sa inilagak Niya roon na mga bunga at kaginhawahang mananatiling hindi mapuputol magpakailanman nang walang pagtutuos.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• الجدال لإبطال الحق وإحقاق الباطل خصلة ذميمة، وهي من صفات أهل الضلال.
Ang pakikipagtalo para pagpapabula sa katotohanan at pagpapatotoo sa kabulaanan ay isang katangiang napupulaan. Ito ay kabilang sa mga katangian ng mga kampon ng pagkaligaw.

• التكبر مانع من الهداية إلى الحق.
Ang pagpapakamalaki ay humahadlang sa kapatnubayan tungo sa katotohanan.

• إخفاق حيل الكفار ومكرهم لإبطال الحق.
Ang pagpapabigo ay mga panggugulang ng mga tagatangging sumampalataya at pakana nila para sa pagpapabula sa katotohanan.

• وجوب الاستعداد للآخرة، وعدم الانشغال عنها بالدنيا.
Ang pagkatungkulin ng paghahanda para sa Kabilang-buhay at ang hindi pagpapakaabala palayo roon dahil sa [buhay sa] Mundo.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Gafier
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit