Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Az-Zochrof   Vers:
وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
[Si Allāh ay] ang nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat na sasapat sa inyo at sasapat sa mga hayop ninyo at mga pananim ninyo kaya nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa isang bayang tuyot na walang halaman doon. Kung paanong pagbibigay-buhay ni Allāh sa lupang tuyot na iyon sa pamamagitan ng halaman, magbibigay-buhay Siya sa inyo sa pagkabuhay na muli.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ
[Si Allāh ay] ang lumikha sa mga magkapares sa kalahatan ng mga ito, gaya ng gabi at maghapon, lalaki at babae, at iba pa sa mga ito, at gumawa para sa inyo ng mga daong at mga hayupan na sinasakyan ninyo sa mga paglalakbay ninyo sapagkat sumasakay kayo sa mga daong sa dagat at sumasakay kayo sa mga hayupan ninyo sa katihan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ
Ginawa Niya para sa inyo iyon sa kabuuan niyon, sa pag-asang lumulan kayo sa mga likod ng sinasakyan ninyo kabilang sa mga ito sa mga paglalakbay ninyo, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagpapasilbi sa mga ito para sa inyo kapag nakalulan na kayo sa mga likod ng mga ito, at magsabi kayo sa pamamagitan ng mga dila ninyo: "Nagpawalang-kapintasan Siya at nagpakabanal Siya na naglaan at nagpaamo para sa amin ng sinasakyang ito kaya nakapagyayari kami rito samantalang kami rito ay hindi mga makakakaya kung hindi dahil sa pagpapasilbi ni Allāh nito [sa amin].
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ
Tunay na kami sa Panginoon namin lamang ay talagang mga babalik matapos ng kamatayan namin para sa pagtutuos at pagganti."
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ مُّبِينٌ
Naghaka-haka ang mga tagapagtambal na ang ilan sa mga nilikha ay ipinanganganak buhat sa Tagalikha – kaluwalhatian sa Kanya – nang nagsabi silang ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh. Tunay na ang taong nagsasabi ng tulad ng sabing ito ay talagang isang mapagtangging sumampalataya, na malinaw ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw.
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٖ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ
O nagsasabi ba kayo, O mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak para sa sarili Niya at nagtangi Siya sa inyo ng mga lalaki sa mga anak, kaya anong paghahati ang paghahating ito na hinaka-haka ninyo?"
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلٗا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٌ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila [ng pagsilang ng] babaing anak na inuugnay niya sa Panginoon niya, ang mukha niya ay naging nangingitim dala ng tindi ng pagkabahala at pagkalungkot. Siya ay naging puno ng ngitngit. Kaya papaanong nag-uugnay siya sa Panginoon niya ng ikinalulumbay niya mismo kapag ibinalita sa kanya?
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٖ
O nag-uugnay ba sila sa Panginoon nila ng pinalalaki sa gayak, habang siya sa pakikipagtalo ay hindi malinaw ang pagsasalita dahil sa pagkababae niya?
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ
Tumawag sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain – kaluwalhatian sa Kanya – bilang mga babae. Nakadalo kaya sila nang lumikha sa mga iyon si Allāh para mapaglinawan nila na ang mga iyon ay mga babae? Magsusulat ang mga anghel sa pagsaksi nilang ito, tatanungin sila tungkol dito sa Araw ng Pagbangon, at pagdurusahin sila hinggil doon dahil sa kasinungalingan nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Nagsabi sila habang mga nangangatwiran sa pagtatakda: "Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi kami sumamba sa mga anghel ay hindi sana kami sumamba sa kanila. Kaya ang pangyayaring Siya ay lumuob niyon mula sa amin ay nagpapatunay sa pagkalugod Niya." Walang ukol sa kanila hinggil sa sabi nilang ito na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsisinungaling.
Arabische uitleg van de Qur'an:
أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ
O nagbigay ba Kami sa mga tagapagtambal na ito ng isang aklat bago pa ng Qur’an, na pumapayag para sa kanila ng pagsamba sa iba pa kay Allāh, kaya sila ay mga kumakapit sa aklat na iyon, na mga nangangatwiran sa pamamagitan niyon?
Arabische uitleg van de Qur'an:
بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ
Hindi; hindi naganap iyon. Bagkus nagsabi sila habang mga nangangatwiran sa paggaya-gaya: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin bago pa namin sa isang relihiyon at isang kapaniwalaan, na sila nga noon ay sumasamba sa mga anito. Tunay na kami ay mga dumadaan sa mga bakas nila sa pagsamba sa mga iyon."
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• كل نعمة تقتضي شكرًا.
Bawat biyaya ay humihiling ng isang pasasalamat.

• جور المشركين في تصوراتهم عن ربهم حين نسبوا الإناث إليه، وكَرِهوهنّ لأنفسهم.
Ang kawalang-katarungan ng mga tagapagtambal sa mga konsepto nila tungkol sa Panginoon nila nang nag-ugnay sila ng mga babaing anak sa Kanya samantalang nasuklam sila sa mga ito para sa mga sarili nila.

• بطلان الاحتجاج على المعاصي بالقدر.
Ang kawalang-kabuluhan ng pangangatwiran para sa mga pagsuway sa pamamagitan ng pagtatakda.

• المشاهدة أحد الأسس لإثبات الحقائق.
Ang pagmamasid ay isa sa mga pundasyon ng pagpapatibay sa mga katunayan.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Az-Zochrof
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling van de samenvatting van de tafsier van de Heilige Koran - Index van vertaling

Uitgegeven door het Tafsier Centrum voor Koranstudies.

Sluit