Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (55) Surah: Soerat El-Maidah (De tafel)
إِنَّمَا وَلِيُّكُمُ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُمۡ رَٰكِعُونَ
Hindi ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ang mga katangkilik ninyo, bagkus tunay na ang katangkilik ninyo at ang tagaadya ninyo ay si Allāh, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya na nagsasagawa ng pagdarasal nang lubusan at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila habang sila ay mga nagpapakumbaba kay Allāh bilang mga nagpapakaaba.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• التنبيه علي عقيدة الولاء والبراء التي تتلخص في الموالاة والمحبة لله ورسوله والمؤمنين، وبغض أهل الكفر وتجنُّب محبتهم.
Ang pagtawag-pansin sa paniniwala sa pagtangkilik at pagtatwa na nabubuod sa pakikipagtangkilikan at pag-ibig kay Allāh, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya at ang pagkasuklam sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at ang pag-iwas sa pag-ibig sa kanila.

• من صفات أهل النفاق: موالاة أعداء الله تعالى.
Bahagi ng mga katangian ng mga alagad ng pagpapaimbabaw ay ang pakikipagtangkilikan sa mga kaaway ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• التخاذل والتقصير في نصرة الدين قد ينتج عنه استبدال المُقَصِّر والإتيان بغيره، ونزع شرف نصرة الدين عنه.
Ang pagkakanulo at ang pagkukulang sa pag-aadya sa Islām ay maaaring magresulta ng pagpapalit sa nagkukulang, pagpapalitaw ng iba pa sa kanya, at pag-aalis sa kanya ng karangalan ng pag-aadya sa Islām.

• التحذير من الساخرين بدين الله تعالى من الكفار وأهل النفاق، ومن موالاتهم.
Ang pagbibigay-babala laban sa mga nanunuya sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at mga alagad ng pagpapaimbabaw at laban sa pakikipagtangkilikan sa kanila.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (55) Surah: Soerat El-Maidah (De tafel)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit