Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (4) Surah: Soerat At-Tahriem (Denkende dat iets Verboden is)
إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدۡ صَغَتۡ قُلُوبُكُمَاۖ وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيۡهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوۡلَىٰهُ وَجِبۡرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ
Nagindapat sa inyong dalawa na magbalik-loob kayong dalawa dahil ang mga puso ninyong dalawa ay kumiling sa pag-ibig sa kinasuklaman ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na pag-iwas sa babaing alipin niya at pagbabawal dito sa sarili niya. Kung magpupumilit kayo sa pag-ulit sa panunulsol ninyong dalawa sa kanya, tunay na si Allāh ay Katangkilik niya at Tagapag-adya niya, at gayon din si Anghel Gabriel. Ang mga mabuti sa mga mananampalataya ay mga katangkilik niya at mga mapag-adya sa kanya. Ang mga anghel, matapos ng pag-aadya ni Allāh sa kanya, ay mga katulong para sa kanya at mga mapag-adya laban sa sinumang nananakit sa kanya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• مشروعية الكَفَّارة عن اليمين.
Ang pagkaisinasabatas ng panakip-sala para sa panunumpa.

• بيان منزلة النبي صلى الله عليه وسلم عند ربه ودفاعه عنه.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya, at ang pagtatanggol ng Panginoon sa kanya.

• من كرم المصطفى صلى الله عليه وسلم مع زوجاته أنه كان لا يستقصي في العتاب فكان يعرض عن بعض الأخطاء إبقاءً للمودة.
Bahagi ng pagkamarangal ng Hinirang na Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga maybahay niya ay na siya noon ay hindi nagpapasidhi sa pagpuna sapagkat siya noon ay nagpapalampas sa ilan sa mga mali para sa pagpapanatili ng pagmamahalan.

• مسؤولية المؤمن عن نفسه وعن أهله.
Ang pananagutan ng mananampalataya sa sarili niya at mag-anak niya.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (4) Surah: Soerat At-Tahriem (Denkende dat iets Verboden is)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit