Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (157) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
ٱلَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ٱلرَّسُولَ ٱلنَّبِيَّ ٱلۡأُمِّيَّ ٱلَّذِي يَجِدُونَهُۥ مَكۡتُوبًا عِندَهُمۡ فِي ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَٱلۡإِنجِيلِ يَأۡمُرُهُم بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَيَنۡهَىٰهُمۡ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَيُحِلُّ لَهُمُ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡخَبَٰٓئِثَ وَيَضَعُ عَنۡهُمۡ إِصۡرَهُمۡ وَٱلۡأَغۡلَٰلَ ٱلَّتِي كَانَتۡ عَلَيۡهِمۡۚ فَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِهِۦ وَعَزَّرُوهُ وَنَصَرُوهُ وَٱتَّبَعُواْ ٱلنُّورَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ مَعَهُۥٓ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
[Sila] ang mga sumusunod kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Siya ay ang Propetang iliteratong hindi nakababasa at hindi nakasusulat at kinakasihan lamang ng Panginoon niya. Siya ay ang natatagpuan nila ang pangalan niya, ang paglalarawan sa kanya, at ang pagkapropeta niya na nakasulat sa Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at Ebanghelyo na pinababa kay Hesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nag-uutos siya sa kanila ng nakilala ang kagandahan niyon at ang kaayusan niyon at sumasaway siya sa kanila ng nakilala ang kapangitan niyon sa mga tumpak na pag-iisip at mga matinong naturalesa. Nagpapahintulot siya para sa kanila ng mga minamasarap kabilang sa anumang walang kapinsalaang dulot gaya ng mga makakain, mga maiinom, at mga gawaing pangmag-asawa. Nagbabawal siya sa kanila ng mga itinuturing na karima-rimarim kabilang sa mga iyon. Nag-aalis siya sa kanila ng mga nakaatang na tungkuling mahirap, na sila dati ay inaatangan ng mga ito gaya ng pagkatungkulin ng pagpatay sa pumatay, maging ang pagpatay man ay isang pananadya o isang pagkakamali. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya kabilang sa mga anak ni Israel at mga iba pa sa mga ito, dumakila sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya laban sa nakikipag-away sa kanya kabilang sa mga tagatangging sumampalataya, at sumunod sa Qur'ān na pinababa sa kanya gaya ng liwanag na tagapatnubay, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay na magtatamo ng hinihiling nila at paiiwasin sa pinangingilabutan nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• تضمَّنت التوراة والإنجيل أدلة ظاهرة على بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم وعلى صدقه.
Naglaman ang Torah at ang Ebanghelyo ng mga hayag na patunay sa pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa katapatan niya.

• رحمة الله وسعت كل شيء، ولكن رحمة الله عباده ذات مراتب متفاوتة، تتفاوت بحسب الإيمان والعمل الصالح.
Ang awa ni Allāh ay sumakop sa bawat bagay, subalit ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya ay may mga antas na nagkakaibahan, na nagkakaibahan alinsunod sa pananampalataya at gawang maayos.

• الدعاء قد يكون مُجْملًا وقد يكون مُفَصَّلًا حسب الأحوال، وموسى في هذا المقام أجمل في دعائه.
Ang panalangin ay maaaring maging nakabuod at maaaring maging nakadetalye alinsunod sa mga kalagayan. Si Moises sa katayuang ito ay higit na nakabuod sa panalangin niya.

• من صور عدل الله عز وجل إنصافه للقِلَّة المؤمنة، حيث ذكر صفات بني إسرائيل المنافية للكمال المناقضة للهداية، فربما توهَّم متوهِّم أن هذا يعم جميعهم، فَذَكَر تعالى أن منهم طائفة مستقيمة هادية مهدية.
Kabilang sa mga anyo ng katarungan ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ay ang makatarungang pakikitungo Niya sa minoriyang mananampalataya yayamang bumanggit Siya ng mga katangian ng mga anak ni Israel, na nagkakaila sa kalubusan, na sumasalungat sa kapatnubayan. Kaya marahil hinahaka-haka ng isang tagapaghaka-haka na ito ay sumasakop sa lahat sa kanila, ngunit bumanggit Siya – pagkataas-taas Siya – na kabilang sa kanila ay isang pangkating tuwid, na tagapatnubay na pinapatnubayan.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (157) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit