Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (184) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
أَوَلَمۡ يَتَفَكَّرُواْۗ مَا بِصَاحِبِهِم مِّن جِنَّةٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٌ
Hindi ba nag-isip-isip ang mga tagapasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh at sa Sugo Niya para magpagana sila ng mga isip nila upang lumiwanag sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi isang baliw? Siya lamang ay isang Sugo mula kay Allāh. Nagpadala sa kanya si Allāh bilang tagapagbigay-babala laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ayon sa isang pagbibigay-babalang malinaw.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• خلق الله للبشر آلات الإدراك والعلم - القلوب والأعين والآذان - لتحصيل المنافع ودفع المضار.
Lumikha si Allāh para sa sangkatauhan ng mga kasangkapan ng pagtalos at pag-alam: ang mga puso, ang mga mata, at ang mga tainga para sa pagtamo ng mga pakinabang at pagtulak sa mga pinsala.

• الدعاء بأسماء الله الحسنى سبب في إجابة الدعاء، فيُدْعَى في كل مطلوب بما يناسب ذلك المطلوب، مثل: اللهمَّ تب عَلَيَّ يا تواب.
Ang panalangin sa pamamagitan ng mga pangalang pinakamagaganda ni Allāh ay isang kadahilanan sa pagsagot sa panalangin, kaya mananalangin sa bawat hiling ng nababagay sa hiling na iyon, tulad ng: "Allāhumma tub `alayya yā tawwāb (O Allāh, tanggapin mo ang pagbabalik-loob ko, O Palatanggap ng pagbabalik-loob)."

• التفكر في عظمة السماوات والأرض، والتوصل بهذا التفكر إلى أن الله تعالى هو المستحق للألوهية دون غيره؛ لأنه المنفرد بالصنع.
Ang pag-iisip-isip sa kadakilaan ng mga langit at lupa at ang pagkakahantong sa pag-iisip-isip na ito na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang karapat-dapat sa pagkadiyos sa halip ng iba pa sa Kanya dahil Siya ang namumukod-tangi sa paggawa.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (184) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit