Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Vers: (3) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
ٱتَّبِعُواْ مَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُم مِّن رَّبِّكُمۡ وَلَا تَتَّبِعُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۗ قَلِيلٗا مَّا تَذَكَّرُونَ
Sumunod kayo, O mga tao, sa Aklat na pinababa ng Panginoon ninyo sa inyo at sa Sunnah ng Propeta ninyo. Huwag kayong sumunod sa mga pithaya ng itinuturing ninyo na mga katangkilik kabilang sa mga demonyo o mga pantas ng kasagwaan. Tumatangkilik kayo sa kanila habang mga nag-iiwan ng pinababa sa inyo alang-alang sa idinidikta ng mga pithaya nila. Tunay na kayo ay kakaunti ang isinasaalaala, yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang hindi ninyo itinanggi higit sa katotohanan ang iba pa rito, at talaga sanang sumunod kayo sa inihatid ng Sugo ninyo, nagsagawa kayo nito, at umiwan kayo ng anumang naiba rito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• من مقاصد إنزال القرآن الإنذار للكافرين والمعاندين، والتذكير للمؤمنين.
Kabilang sa mga layunin ng pagpapababa ng Qur'ān ay ang pagbabala sa mga tagatangging sumampalataya at mga nagmamatigas, at ang pagpapaalaala sa mga mananampalataya.

• أنزل الله القرآن إلى المؤمنين ليتبعوه ويعملوا به، فإن فعلوا ذلك كملت تربيتهم، وتمت عليهم النعمة، وهُدُوا لأحسن الأعمال والأخلاق.
Nagpababa si Allāh ng Qur'ān sa mga mananampalataya upang sumunod sila rito at gumawa ayon rito. Kaya kung ginawa nila iyon ay makukumpleto ang edukasyon nila, malulubos sa kanila ang biyaya, at mapapatnubayan sila sa pinakamaganda sa mga gawain at mga kaasalan.

• الوزن يوم القيامة لأعمال العباد يكون بالعدل والقسط الذي لا جَوْر فيه ولا ظلم بوجه.
Ang pagtitimbang sa Araw ng Pagbangon para sa mga gawa ng mga tao ay magiging sa pamamagitan ng katarungan at pagkamakatarungan na walang pang-aapi ni kawalang-katarungan sa anumang paraan.

• هَيَّأ الله الأرض لانتفاع البشر بها، بحيث يتمكَّنون من البناء عليها وحَرْثها، واستخراج ما في باطنها للانتفاع به.
Inihanda ni Allāh ang lupa para sa pakikinabang dito ng sangkatauhan sa paraang makagagawa sila ng pagpapatayo sa ibabaw nito, pagsasaka rito, at paghahango ng nasa ilalim nito para sa pakikinabang dito.

 
Vertaling van de betekenissen Vers: (3) Surah: Soerat el-Araf (De verheven plaatsen)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit