Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran * - Index van vertaling


Vertaling van de betekenissen Surah: Soerat Al-Moddassir (Iemand die Gebundeld is)   Vers:

Al-Muddaththir

Het doel van deze surah:
الأمر بالاجتهاد في دعوة المكذبين، وإنذارهم بالآخرة والقرآن.
Ang pag-uutos ng pagsisikap sa pag-aanyaya sa mga tagapagpasinungaling at pagbabala sa kanila sa pamamagitan ng Kabilang-buhay at Qur'ān.

يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمُدَّثِّرُ
O nagtatakip ng mga kasuutan niya (siya ay ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan),
Arabische uitleg van de Qur'an:
قُمۡ فَأَنذِرۡ
tumindig ka at magpangamba ka sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَرَبَّكَ فَكَبِّرۡ
Dumakila ka sa Panginoon mo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَثِيَابَكَ فَطَهِّرۡ
Magdalisay ka sa sarili mo mula sa mga pagkakasala at sa mga kasuutan mo mula sa mga karumihan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلرُّجۡزَ فَٱهۡجُرۡ
Lumayo ka sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَا تَمۡنُن تَسۡتَكۡثِرُ
Huwag kang magmagandang-loob sa Panginoon mo sa pamamagitan ng paghiling mo na dumami ng gawa mong maayos.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلِرَبِّكَ فَٱصۡبِرۡ
Magtiis ka alang-alang kay Allāh sa anumang nakahaharap mo na pasakit.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَإِذَا نُقِرَ فِي ٱلنَّاقُورِ
Kaya kapag nagpatunog sa sungay sa ikalawang pag-ihip,
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَذَٰلِكَ يَوۡمَئِذٖ يَوۡمٌ عَسِيرٌ
ang Araw na iyon ay isang araw na matindi,
Arabische uitleg van de Qur'an:
عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ غَيۡرُ يَسِيرٖ
sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay hindi magaan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ذَرۡنِي وَمَنۡ خَلَقۡتُ وَحِيدٗا
Hayaan mo Ako, O Sugo, at ang nilikha Ko nang mag-isa sa tiyan ng ina niya nang walang yaman o anak. (Siya ay si Al-Walīd bin Al-Mughīrah.)
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَجَعَلۡتُ لَهُۥ مَالٗا مَّمۡدُودٗا
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang marami
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَبَنِينَ شُهُودٗا
Gumawa Ako para sa kanya ng mga anak na nakadalo sa kanya at sumasaksi sa mga pagdiriwang kasama sa kanya, na hindi humihiwalay sa kanya para sa isang paglalakbay dahil sa dami ng yaman niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَهَّدتُّ لَهُۥ تَمۡهِيدٗا
Nagpasagana Ako sa kanya sa pamumuhay, panustos, at anak sa isang pagpapasagana.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ يَطۡمَعُ أَنۡ أَزِيدَ
Pagkatapos naghahangad siya sa kabila ng kawalang-pananampalataya niya sa Akin na magdagdag Ako sa kanya matapos na magbigay Ako sa kanya niyon sa kabuuan niyon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَلَّآۖ إِنَّهُۥ كَانَ لِأٓيَٰتِنَا عَنِيدٗا
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni niya! Tunay na siya dati ay nakikipagmatigasan sa mga tanda Naming ibinaba Namin sa Sugo Namin, na nagpapasinungaling sa mga ito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
سَأُرۡهِقُهُۥ صَعُودًا
Mag-aatang Ako sa kanya ng isang pahirap mula sa pagdurusa, na hindi siya makakakaya sa pagbabata niyon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنَّهُۥ فَكَّرَ وَقَدَّرَ
Tunay na ang tagatangging sumampalataya na ito na nagbiyaya Ako sa kanya ng mga biyayang iyon ay nag-isip hinggil sa sasabihin niya hinggil sa Qur'ān para sa pagpapabula rito, at nagtakda niyon sa sarili niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• المشقة تجلب التيسير.
Ang pahirap ay humahatak ng pagpapagaan.

• وجوب الطهارة من الخَبَث الظاهر والباطن.
Ang pagkatungkulin ng kadalisayan mula sa karumihang panlabas at panloob.

• الإنعام على الفاجر استدراج له وليس إكرامًا.
Ang pagbibiyaya sa masamang-loob ay isang pagpapain para sa kanya at hindi isang pagpaparangal.

فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Kaya sumapain nawa siya at pagdusahin nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Pagkatapos sumpain nawa siya at pagdusahin nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ نَظَرَ
Pagkatapos umulit siya ng pagmamasid at paglilimi sa anumang sasabihin niya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
Pagkatapos umasim ang mukha niya at umismid siya nang hindi siya nakatagpo ng maipaninira niya sa Qur'ān.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
Pagkatapos tumalikod siya sa pananampalataya at nagmalaki siya sa pagtanggi sa pagsunod sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
Kaya nagsabi siya: "Itong inihatid ni Muḥammad ay hindi Pananalita ni Allāh, bagkus ito ay isang panggagaway na isinasaysay niya buhat sa iba sa kanya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Ito ay hindi Pananalita ni Allāh; bagkus ito ay pananalita ng tao."
Arabische uitleg van de Qur'an:
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Magpapasok Ako sa tagatangging sumampalataya na ito sa isa sa mga palapag ng Impiyerno. Iyon ay ang Saqar, na magdurusa siya sa init niyon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Ano ang nagpaalam sa iyo, o Muḥammad, kung ano ang Saqar?
Arabische uitleg van de Qur'an:
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Hindi ito nagtitira ng anuman mula sa pinagdurusa roon malibang pupunta ito roon at hindi ito mag-iiwan doon. Pagkatapos manunumbalik iyon gaya ng dati. Pagkatapos pupunta ito roon. Ganoon ng ganoon.
Arabische uitleg van de Qur'an:
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Matindi ang pagsusunog at ang pagpapalit sa mga balat,
Arabische uitleg van de Qur'an:
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel. Sila ay ang mga tanod nito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Hindi gumawa bilang mga tagatanod ng Apoy malibang mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa sangkatauhan sa kanila at hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi ang mga ito ng sinabi sinabi ng mga ito para mag-ibayo sa mga ito ang pagdurusa, upang magpakatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapagpatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "May aling bagay na ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito?" Tulad ng pagliligaw sa tagapagkaila ng bilang na ito at kapatnubayan ng tagapagpatotoo nito, nagliligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na iligaw at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami ng mga ito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa Sangkatauhan, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Ang masasabi ay hindi gaya ng inaakala ng isa sa mga tagapagtambal na makakasapat ang mga kasamahan niya laban sa mga tagatanod ng Impiyerno para maitaboy nila ang mga ito palayo roon! Sumumpa si Allāh sa buwan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag lumisan ito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
Sumumpa Siya sa madaling-araw kapag tumanglaw ito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
Tunay na ang Apoy ng Impiyerno ay isa sa mga kasawiang mabigat.
Arabische uitleg van de Qur'an:
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
bilang pagpapasindak at pagpapangamba para sa mga tao,
Arabische uitleg van de Qur'an:
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo, O mga tao, na magpakauna sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh at gawang maayos o magpakahuli sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Bawat kaluluwa sa nakamit nito na mga gawa ay kukunin, kaya alin sa dalawa: magsasawi sa kanya ang mga gawa niya o magliligtas sa kanya ang mga ito at sasagip sa kanya ang mga ito mula sa kapahamakan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
Maliban sa mga mananampalataya sapagkat tunay na sila ay hindi kukunin dahil sa mga pagkakasala nila; bagkus lalampas sa mga ito dahil sa taglay nila na gawang maayos.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فِي جَنَّٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
Sila sa Araw ng Pagbangon ay nasa mga Hardin, na magtatanong ang isa't isa sa kanila
Arabische uitleg van de Qur'an:
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na nagpahamak sa mga sarili nila dahil sa ginawa nila na mga pagsuway:
Arabische uitleg van de Qur'an:
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
Magsasabi sila sa mga ito: "Ano ang nagpapasok sa inyo sa Impiyerno?"
Arabische uitleg van de Qur'an:
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Kaya sasagot sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya, habang mga nagsasabi: "Hindi kami dati kabilang sa mga nagsasagawa ng pagdarasal na isinatungkulin sa buhay na pangmundo.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
Hindi kami dati nagpapakain sa maralita mula sa ibinigay sa amin ni Allāh.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
Kami dati ay kasama sa mga kampon ng kabulaanan, na umiikot kami kasama sa kanila saan man umikot sila. Nagsasalita kami kasama sa mga kampon ng pagkaligaw at kalisyaan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
Kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagganti.
Arabische uitleg van de Qur'an:
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
Nagpakalabis kami sa pagpapasinungaling sa kanya hanggang sa dumating sa amin ang kamatayan, kaya nakahadlang ito sa pagitan namin at ng pagbabalik-loob."
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• خطورة الكبر حيث صرف الوليد بن المغيرة عن الإيمان بعدما تبين له الحق.
Ang panganib ng pagkamapagmalaki yayamang lumihis si Al-Walīd bin Al-Mughīrah sa pagsampalataya matapos na luminaw para sa kanya ang katotohanan.

• مسؤولية الإنسان عن أعماله في الدنيا والآخرة.
Ang pananagutan ng tao sa mga gawain niya sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم إطعام المحتاج سبب من أسباب دخول النار.
Ang hindi pagpapakain sa nangangailangan ay isa sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.

فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila sa Araw ng Pagbangon ang pagpapagitna ng mga tagapamagitan kabilang sa mga anghel, mga propeta, at mga maayos dahil bahagi ng kundisyon ng pamamagitan ay ang pagkalugod ng pinamamagitanan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَمَا لَهُمۡ عَنِ ٱلتَّذۡكِرَةِ مُعۡرِضِينَ
Aling bagay ang gumawa sa mga tagapagtambal na ito bilang mga tagaayaw sa Qur'ān?
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَأَنَّهُمۡ حُمُرٞ مُّسۡتَنفِرَةٞ
Para bang sila sa pag-ayaw nila at pagkailang nila roon ay mga asnong ligaw na matindi ang pagkailang,
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَرَّتۡ مِن قَسۡوَرَةِۭ
na nailang mula sa isang leyon dala ng pangamba dito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
بَلۡ يُرِيدُ كُلُّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُمۡ أَن يُؤۡتَىٰ صُحُفٗا مُّنَشَّرَةٗ
Bagkus nagnais ang bawat isa kabilang sa mga tagapagtambal na ito na umagahin na sa tabi ng ulo niya ay may isang kasulatan na nakaladlad na nagpapabatid sa kanya na si Muḥammad ay isang Sugo mula kay Allāh. Ang kadahilanan niyon ay hindi ang kakauntian ng mga patotoo o ang kahinaan ng mga katwiran; iyon lamang ay ang pagmamatigas at ang pagmamalaki.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَلَّاۖ بَل لَّا يَخَافُونَ ٱلۡأٓخِرَةَ
Ang usapin ay hindi ganoon! Bagkus ang kadahilanan sa pagmamalabis nila sa pagkaligaw nila ay na sila ay hindi sumasampalataya sa pagkakaroon ng pagdurusa sa Kabilang-buhay kaya nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Arabische uitleg van de Qur'an:
كَلَّآ إِنَّهُۥ تَذۡكِرَةٞ
Pansinin! Tunay na ang Qur’ān na ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَمَن شَآءَ ذَكَرَهُۥ
Kaya ang sinumang lumuob na bumigkas ng Qur'ān at mapangaralan dahil dito ay mag-aalaala siya nito at mapangangaralan siya rito.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَمَا يَذۡكُرُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ هُوَ أَهۡلُ ٱلتَّقۡوَىٰ وَأَهۡلُ ٱلۡمَغۡفِرَةِ
Hindi sila napangangaralan maliban na loobin ni Allāh na mapangaralan sila. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang karapat-dapat para pangilagan sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at ang karapat-dapat para sa pagpapatawad ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila sa Kanya.
Arabische uitleg van de Qur'an:
Voordelen van de verzen op deze pagina:
• مشيئة العبد مُقَيَّدة بمشيئة الله.
Ang kalooban ng tao ay nalilimitahan ng kalooban ni Allāh.

• حرص رسول الله صلى الله عليه وسلم على حفظ ما يوحى إليه من القرآن، وتكفّل الله له بجمعه في صدره وحفظه كاملًا فلا ينسى منه شيئًا.
Ang sigasig ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagsaulo sa ikinakasi sa kanya mula sa Qur'ān. Naggarantiya si Allāh para sa kanya ng pagtitipon nito sa dibdib niya at pagsasaulo nito nang buo kaya walang nalilimutan mula rito na anuman.

 
Vertaling van de betekenissen Surah: Soerat Al-Moddassir (Iemand die Gebundeld is)
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran - Index van vertaling

De Filipijnse (Tagalog) Vertaling van de Beknopte Uitleg van de Heilige Koran, uitgegeven door het Tafsir Centrum voor Koranische Studies.

Sluit