Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling - Centrum van Pionier Vertalers * - Index van vertaling

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Vertaling van de betekenissen Surah: An-nisa   Vers:
۞ لَّا يُحِبُّ ٱللَّهُ ٱلۡجَهۡرَ بِٱلسُّوٓءِ مِنَ ٱلۡقَوۡلِ إِلَّا مَن ظُلِمَۚ وَكَانَ ٱللَّهُ سَمِيعًا عَلِيمًا
Hindi nakaiibig si Allāh sa paghahayag ng kasagwaan kabilang sa sinasabi, maliban sa sinumang nilabag sa katarungan. Laging si Allāh ay Madinigin, Maalam.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِن تُبۡدُواْ خَيۡرًا أَوۡ تُخۡفُوهُ أَوۡ تَعۡفُواْ عَن سُوٓءٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَفُوّٗا قَدِيرًا
Kung maglalantad kayo ng kabutihan o magkukubli kayo nito o magpapaumanhin kayo sa isang kasagwaan [na ginawa sa inyo], tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin, May-kakayahan.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡفُرُونَ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيُرِيدُونَ أَن يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ ٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَيَقُولُونَ نُؤۡمِنُ بِبَعۡضٖ وَنَكۡفُرُ بِبَعۡضٖ وَيُرِيدُونَ أَن يَتَّخِذُواْ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلًا
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, nagnanais na magtangi-tangi sa pagitan ni Allāh at ng mga sugo Niya,[21] nagsasabi: “Sumasampalataya kami sa ilan[22] at tumatanggi kaming sumampalataya sa iba[23] pa,” at nagnanais na gumawa sa pagitan niyon ng isang landas,
[21] sa pamamagitqan ng pananampalataya kay Allāh at pagtangging sumampalataqya sa iba sa mga sugo Niya
[22] sa mga propeta gaya nina Moises o kina Moises at Jesus.
[23] gaya ni Propeta Muḥammad
Arabische uitleg van de Qur'an:
أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ حَقّٗاۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٗا مُّهِينٗا
ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya, sa totoo. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang manghahamak.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرُسُلِهِۦ وَلَمۡ يُفَرِّقُواْ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّنۡهُمۡ أُوْلَٰٓئِكَ سَوۡفَ يُؤۡتِيهِمۡ أُجُورَهُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya[24] at hindi nagtangi-tangi sa isa man kabilang sa kanila, ang mga iyon ay bibigyan Niya ng mga pabuya nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[24] na ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Propeta Muḥammad
Arabische uitleg van de Qur'an:
يَسۡـَٔلُكَ أَهۡلُ ٱلۡكِتَٰبِ أَن تُنَزِّلَ عَلَيۡهِمۡ كِتَٰبٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ فَقَدۡ سَأَلُواْ مُوسَىٰٓ أَكۡبَرَ مِن ذَٰلِكَ فَقَالُوٓاْ أَرِنَا ٱللَّهَ جَهۡرَةٗ فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّٰعِقَةُ بِظُلۡمِهِمۡۚ ثُمَّ ٱتَّخَذُواْ ٱلۡعِجۡلَ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ فَعَفَوۡنَا عَن ذَٰلِكَۚ وَءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ سُلۡطَٰنٗا مُّبِينٗا
Humihiling sa iyo ang mga May Kasulatan na magbaba ka sa kanila ng isang kasulatan mula sa langit,[25] sapagkat humiling nga sila kay Moises ng higit na malaki kaysa roon sapagkat nagsabi sila: “Ipakita mo sa amin si Allāh nang hayagan,” kaya dumaklot sa kanila ang lintik dahil sa kawalang-katarungan nila. Pagkatapos gumawa sila sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay, ngunit nagpaumanhin Kami niyon. Nagbigay Kami kay Moises ng isang katunayang malinaw.
[25] upang maging tanda ng katapatan mo
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَرَفَعۡنَا فَوۡقَهُمُ ٱلطُّورَ بِمِيثَٰقِهِمۡ وَقُلۡنَا لَهُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡبَابَ سُجَّدٗا وَقُلۡنَا لَهُمۡ لَا تَعۡدُواْ فِي ٱلسَّبۡتِ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
Nag-angat Kami sa ibabaw nila ng bundok [ng Sinai] dahil sa tipan sa kanila. Nagsabi Kami sa kanila: “Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod.” Nagsabi Kami sa kanila: “Huwag kayong lumabag sa Sabado.” Tumanggap Kami mula sa kanila ng isang tipang mahigpit.
Arabische uitleg van de Qur'an:
 
Vertaling van de betekenissen Surah: An-nisa
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling - Centrum van Pionier Vertalers - Index van vertaling

Vertaald door het vertaalteam van het Centrum van Pionierende Vertalers in samenwerking met de Vereniging voor Da'wa in Al-Rabwa en de Vereniging voor de Dienstverlening van Islamitische Inhoud in Talen.

Sluit