Check out the new design

Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling - Centrum van Pionier Vertalers * - Index van vertaling

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Vertaling van de betekenissen Surah: Al-Modjaadalah   Vers:

Al-Mujādalah

قَدۡ سَمِعَ ٱللَّهُ قَوۡلَ ٱلَّتِي تُجَٰدِلُكَ فِي زَوۡجِهَا وَتَشۡتَكِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَٱللَّهُ يَسۡمَعُ تَحَاوُرَكُمَآۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ
Narinig nga ni Allāh ang sabi ng [babaing][1] nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muḥammad] hinggil sa asawa niya[2] at dumaraing kay Allāh at si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
[1] Ibig sabihin: si Khawlah na anak ni Tha`labah.
[2] Si Aws na anak Ṣāmit.
Arabische uitleg van de Qur'an:
ٱلَّذِينَ يُظَٰهِرُونَ مِنكُم مِّن نِّسَآئِهِم مَّا هُنَّ أُمَّهَٰتِهِمۡۖ إِنۡ أُمَّهَٰتُهُمۡ إِلَّا ٱلَّٰٓـِٔي وَلَدۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَيَقُولُونَ مُنكَرٗا مِّنَ ٱلۡقَوۡلِ وَزُورٗاۚ وَإِنَّ ٱللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٞ
Ang mga nagsasagawa ng dhihār[3] kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
[3] Isang uri ng diborsiyo sa pamamagitan ng paghahalintulad sa maybahay sa ina sa pamamagitan ng pagsabi sa maybahay: Ikaw sa ganang akin ay para bagang likod ng ina ko.
Arabische uitleg van de Qur'an:
وَٱلَّذِينَ يُظَٰهِرُونَ مِن نِّسَآئِهِمۡ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُواْ فَتَحۡرِيرُ رَقَبَةٖ مِّن قَبۡلِ أَن يَتَمَآسَّاۚ ذَٰلِكُمۡ تُوعَظُونَ بِهِۦۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan.[4] Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
[4] Ibig sabihin: magtalik.
Arabische uitleg van de Qur'an:
فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ مِن قَبۡلِ أَن يَتَمَآسَّاۖ فَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ فَإِطۡعَامُ سِتِّينَ مِسۡكِينٗاۚ ذَٰلِكَ لِتُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۗ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan;[5] ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.
[5] Ibig sabihin: magtalik.
Arabische uitleg van de Qur'an:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُحَآدُّونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ كُبِتُواْ كَمَا كُبِتَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَقَدۡ أَنزَلۡنَآ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۚ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٞ مُّهِينٞ
Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay dudustain kung paanong dinusta ang mga [sumalansang sa mga sugo] bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak,
Arabische uitleg van de Qur'an:
يَوۡمَ يَبۡعَثُهُمُ ٱللَّهُ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ أَحۡصَىٰهُ ٱللَّهُ وَنَسُوهُۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
Arabische uitleg van de Qur'an:
 
Vertaling van de betekenissen Surah: Al-Modjaadalah
Surah's Index Pagina nummer
 
Vertaling van de betekenissen Edele Qur'an - Filipijnse (Tagalog) vertaling - Centrum van Pionier Vertalers - Index van vertaling

Vertaald door het vertaalteam van het Centrum van Pionierende Vertalers in samenwerking met de Vereniging voor Da'wa in Al-Rabwa en de Vereniging voor de Dienstverlening van Islamitische Inhoud in Talen.

Sluit