د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (58) سورت: مريم
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٖ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡرَٰٓءِيلَ وَمِمَّنۡ هَدَيۡنَا وَٱجۡتَبَيۡنَآۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُ ٱلرَّحۡمَٰنِ خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَبُكِيّٗا۩
Ang mga nabanggit na iyon sa kabanatang ito sa pagsisimula kay Zacarias at pagwawakas kay Enoc – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila ng pagkapropeta kabilang sa mga anak ni Adan – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ng mga dinala ni Allāh sa daong kasama ni Noe – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ni Abraham at mga anak ni Jacob – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – at kabilang sa itinuon Namin sa kapatnubayan tungo sa Islām, hinirang Namin, at itinalaga Namin bilang mga propeta. Sila noon, kapag nakarinig sa mga tanda ni Allāh na binibigkas, ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga umiiyak dala ng takot sa Kanya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• حاجة الداعية دومًا إلى أنصار يساعدونه في دعوته.
Ang pangangailangan ng tagapag-anyaya sa Islām palagi sa mga tagapag-adyang aalalay sa kanya sa pag-aanyaya niya.

• إثبات صفة الكلام لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – Napakataas Siya.

• صدق الوعد محمود، وهو من خلق النبيين والمرسلين، وضده وهو الخُلْف مذموم.
Ang katapatan sa pangako ay pinapupurihan. Ito ay bahagi ng kaasalan ng mga propeta at mga isinugo. Ang kasalungat nito, ang pagsira [sa pangako], ay pinupulaan.

• إن الملائكة رسل الله بالوحي لا تنزل على أحد من الأنبياء والرسل من البشر إلا بأمر الله.
Tunay na ang mga anghel ay mga sugo ni Allāh sa pagkakasi. Hindi sila bumababa sa isa sa mga propeta at mga sugo kabilang sa mga tao malibang ayon sa utos ni Allāh.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (58) سورت: مريم
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول