د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (126) سورت: البقرة
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَٰذَا بَلَدًا ءَامِنٗا وَٱرۡزُقۡ أَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ مَنۡ ءَامَنَ مِنۡهُم بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ قَالَ وَمَن كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُۥ قَلِيلٗا ثُمَّ أَضۡطَرُّهُۥٓ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلنَّارِۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Banggitin mo, O Propeta, nang nagsabi si Abraham habang siya ay dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, gawin Mo ang Makkah na isang bayang matiwasay na hindi sumasailalim dito ang isa man sa kasamaan, tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga uri ng mga bunga, at lagyan Mo ito ng panustos na natatangi sa mga mananampalataya sa Iyo at sa Huling Araw." Nagsabi si Allāh: "Ang sinumang tumangging sumampalataya kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpapatamasa sa kanya ng itinutustos Ko sa kanya sa Mundo ng isang tinatamasang kaunti. Pagkatapos sa Kabilang-buhay ay ipaaampon Ko siya nang sapilitan sa pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang hantungang kasasadlakan niya sa Araw ng Pagbangon!
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• أن المسلمين مهما فعلوا من خير لليهود والنصارى؛ فلن يرضوا حتى يُخرجوهم من دينهم، ويتابعوهم على ضلالهم.
Na ang Muslim, anuman ang gawin nilang kabutihan para sa mga Hudyo at Kristiyano, ay hindi malulugod ang mga ito hanggang sa makapagpalabas sa kanila ang mga ito mula sa relihiyon nila at makasunod sila sa mga ito sa pagkaligaw ng mga ito.

• الإمامة في الدين لا تُنَال إلا بصحة اليقين والصبر على القيام بأمر الله تعالى.
Ang pamumuno sa relihiyon ay hindi natatamo malibang sa pamamagitan ng katumpakan ng katiyakan at pagtitiis sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• بركة دعوة إبراهيم عليه السلام للبلد الحرام، حيث جعله الله مكانًا آمنًا للناس، وتفضّل على أهله بأنواع الأرزاق.
Ang pagpapala ng panalangin ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay para sa Bayang Binanal kung saan ginawa ito ni Allāh na isang lugar na matiwasay para sa mga tao at nagmabuting-loob Siya sa mga naninirahan doon ng mga uri ng mga panustos.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (126) سورت: البقرة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول