د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (178) سورت: البقرة
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡقِصَاصُ فِي ٱلۡقَتۡلَىۖ ٱلۡحُرُّ بِٱلۡحُرِّ وَٱلۡعَبۡدُ بِٱلۡعَبۡدِ وَٱلۡأُنثَىٰ بِٱلۡأُنثَىٰۚ فَمَنۡ عُفِيَ لَهُۥ مِنۡ أَخِيهِ شَيۡءٞ فَٱتِّبَاعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَأَدَآءٌ إِلَيۡهِ بِإِحۡسَٰنٖۗ ذَٰلِكَ تَخۡفِيفٞ مِّن رَّبِّكُمۡ وَرَحۡمَةٞۗ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ بَعۡدَ ذَٰلِكَ فَلَهُۥ عَذَابٌ أَلِيمٞ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, isinatungkulin sa inyo – kaugnay sa pumapatungkol sa mga nakapapatay ng ibang tao nang may pananadya at paglabag – ang pagpaparusa sa pumatay ng tulad sa krimen niya kaya naman ang malaya ay papatayin dahil sa malaya, ang alipin ay papatayin dahil sa alipin, at ang babae ay papatayin dahil sa babae. Ngunit kung nagpaumanhin ang napatay bago mamatay o nagpaumanhin ang katangkilik ng napatay kapalit ng bayad-pinsala – na isang halaga ng salapi na ibabayad ng nakapatay kapalit ng pagpapaumanhin sa kanya – kailangan sa sinumang nagpaumanhin ang pag-oobliga sa nakapatay sa paghiling sa bayad-pinsala nang ayon sa makatuwiran, hindi ayon sa panunumbat at pamiminsala, at kailangan naman sa nakapatay ang magsagawa ng bayad-pinsala ayon sa isang pagmamagandang-loob nang walang pagpapatagal at pagpapaliban. Yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo sa inyo at isang awa sa Kalipunang ito. Kaya ang sinumang nangaway sa nakapatay matapos yaong pagpapaumanhin at pagtanggap ng bayad-pinsala, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• البِرُّ الذي يحبه الله يكون بتحقيق الإيمان والعمل الصالح، وأما التمسك بالمظاهر فقط فلا يكفي عنده تعالى.
Ang pagpapakabuting iniibig ni Allāh ay sa pamamagitan ng pagsasakatotohanan ng pananampalataya at gawang maayos samantalang ang pagsunod sa mga panlabas lamang ay hindi nakasasapat sa ganang Kanya – pagkataas-taas Siya.

• من أعظم ما يحفظ الأنفس، ويمنع من التعدي والظلم؛ تطبيق مبدأ القصاص الذي شرعه الله في النفس وما دونها.
Kabilang sa pinakamalaki sa nangangalaga sa mga buhay at pumipigil sa pangangaway at paglabag sa katarungan ay ang pagpapatupad ng simulain ng ganting-pinsala na isinabatas ni Allāh kaugnay sa buhay at anumang mababa pa rito.

• عِظَمُ شأن الوصية، ولا سيما لمن كان عنده شيء يُوصي به، وإثمُ من غيَّر في وصية الميت وبدَّل ما فيها.
Ang bigat ng nauukol sa tagubilin, lalo na para sa sinumang mayroong itatagubilin, at ang kasalanan ng sinumang nagbago sa tagubilin ng patay at nagpalit sa nilalaman nito.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (178) سورت: البقرة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول