د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (217) سورت: البقرة
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ قِتَالٖ فِيهِۖ قُلۡ قِتَالٞ فِيهِ كَبِيرٞۚ وَصَدٌّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَكُفۡرُۢ بِهِۦ وَٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ وَإِخۡرَاجُ أَهۡلِهِۦ مِنۡهُ أَكۡبَرُ عِندَ ٱللَّهِۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَكۡبَرُ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۗ وَلَا يَزَالُونَ يُقَٰتِلُونَكُمۡ حَتَّىٰ يَرُدُّوكُمۡ عَن دِينِكُمۡ إِنِ ٱسۡتَطَٰعُواْۚ وَمَن يَرۡتَدِدۡ مِنكُمۡ عَن دِينِهِۦ فَيَمُتۡ وَهُوَ كَافِرٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِۖ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Nagtatanong sa iyo ang mga tao, O Propeta, tungkol sa hatol sa pakikipaglaban sa mga Buwang Pinakababanal: ang Dhul qa`dah, ang Dhul ḥijjah, ang Muḥarram, at ang Rajab. Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pakikipaglaban sa mga buwang ito ay mabigat sa ganang kay Allāh at minamasama kung paanong ang isinasagawa ng mga tagapagtambal dito na pagbalakid sa landas ni Allāh ay minamasagwa gaya niyon. Ang pagpigil sa mga mananampalataya sa Masjid na Pinakababanal at ang pagpapalayas sa mga naninirahan malapit sa Masjid na Pinakababanal mula roon ay higit na mabigat sa ganang kay Allāh kaysa sa pakikipaglaban sa Buwang Pinakababanal. Ang Shirk na taglay nila ay higit na mabigat kaysa sa pagpatay." Hindi titigil ang mga tagapagtambal sa kawalang-katarungan nila habang kumakalaban sa inyo, O mga mananampalataya, hanggang sa magpatalikod sila sa inyo sa relihiyon ninyong totoo patungo sa relihiyon nilang bulaan kung may makakaya silang paraan doon. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa Relihiyon niya at namatay habang siya ay nasa kawalang-pananampalataya kay Allāh, napawalang-saysay nga ang gawa niyang maayos. Ang kauuwian niya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Impiyerno at ang pamamalagi roon magpakailanman.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• الجهل بعواقب الأمور قد يجعل المرء يكره ما ينفعه ويحب ما يضره، وعلى المرء أن يسأل الله الهداية للرشاد.
Ang kamangmangan sa mga kahihinatnan ng mga bagay-bagay ay maaaring magsanhi sa tao na masuklam sa nagpapakinabang sa kanya at umibig sa nakapipinsala sa kanya. Kailangan sa tao na humiling kay Allāh ng kapatnubayan at gabay.

• جاء الإسلام بتعظيم الحرمات والنهي عن الاعتداء عليها، ومن أعظمها صد الناس عن سبيل الله تعالى.
Naghatid ang Islām ng paggalang sa mga binabanal at ng pagsaway sa paglabag sa mga ito. Kabilang sa pinakamabigat sa mga ito ang pagbalakid sa mga tao sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• لا يزال الكفار أبدًا حربًا على الإسلام وأهله حتَّى يخرجوهم من دينهم إن استطاعوا، والله موهن كيد الكافرين.
Hindi titigil ang mga tagatangging sumampalataya kailanman sa digmaan laban sa Islām at mga alagad nito hanggang sa magpalabas sila sa mga ito sa relihiyon ng mga ito kung makakaya nila. Si Allāh ay magpapahina sa pakana ng mga tagatangging sumampalataya.

• الإيمان بالله تعالى، والهجرة إليه، والجهاد في سبيله؛ أعظم الوسائل التي ينال بها المرء رحمة الله ومغفرته.
Ang pananampalataya sa Allāh – pagkataas-taas Siya – ang paglikas para sa Kanya, at ang pakikibaka ayon sa landas Niya ay ang pinakamabigat sa mga pamamaraan na magtatamo dahil dito ang tao ng habag ni Allāh at kapatawaran Niya.

• حرّمت الشريعة كل ما فيه ضرر غالب وإن كان فيه بعض المنافع؛ مراعاة لمصلحة العباد.
Nagbawal ang Batas ng Islām ng bawat anumang may kapinsalaang nananaig kahit pa man may dulot ito na ilang mga pakinabang, bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga tao.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (217) سورت: البقرة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول