د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (253) سورت: البقرة
۞ تِلۡكَ ٱلرُّسُلُ فَضَّلۡنَا بَعۡضَهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۘ مِّنۡهُم مَّن كَلَّمَ ٱللَّهُۖ وَرَفَعَ بَعۡضَهُمۡ دَرَجَٰتٖۚ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلَ ٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ وَلَٰكِنِ ٱخۡتَلَفُواْ فَمِنۡهُم مَّنۡ ءَامَنَ وَمِنۡهُم مَّن كَفَرَۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا ٱقۡتَتَلُواْ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يُرِيدُ
Ang mga sugong iyon na binanggit Namin sa iyo ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba sa kanila sa pagkasi, mga tagasunod, at mga antas. Mayroon sa kanila na kinausap ni Allāh tulad ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Mayroon sa kanila na inangat Niya sa ilang mga antas na mataas tulad ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – yayamang isinugo siya sa mga tao sa kabuuan nila, winakasan sa kanya ang pagkapropeta, at itinangi ang Kalipunan niya higit sa mga ibang kalipunan. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga himalang maliwanag na nagpapatunay sa pagkapropeta niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay at pagpapagaling sa ipinanganak na bulag at ketungin. Nag-alalay sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang pagpapalakas sa kanya sa pagsasagawa sa utos ni Allāh – pagkataas-taas Siya. Kung sakaling niloob ni Allāh, hindi sana naglaban-laban ang mga dumating nang matapos ng [paglisan ng] mga sugo nang matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda; subalit nagkaiba-iba sila at nagkahati-hati sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya kay Allāh at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya sa Kanya. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila mag-away-away ay hindi sana sila nag-away-away; subalit si Allāh ay gumagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa pananampalataya sa pamamagitan ng awa Niya at kabutihang-loob Niya at nagpapaligaw Siya sa sinumang niloloob Niya sa pamamagitan ng katarungan Niya at karunungan Niya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• أن الله تعالى قد فاضل بين رسله وأنبيائه، بعلمه وحكمته سبحانه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay naghambing nga sa pagitan ng mga sugo Niya at mga propeta Niya sa pamamagitan ng kaalaman Niya at karunungan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

• إثبات صفة الكلام لله تعالى على ما يليق بجلاله، وأنه قد كلم بعض رسله كموسى ومحمد عليهما الصلاة والسلام.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, at na Siya ay nagsalita nga sa ilan sa mga sugo Niya gaya nina Moises at Muḥammad – sumakanilang dalawa ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• الإيمان والهدى والكفر والضلال كلها بمشيئة الله وتقديره، فله الحكمة البالغة، ولو شاء لهدى الخلق جميعًا.
Ang pananampalataya at ang patnubay, at ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw, ang lahat ng mga ito ay sa pamamagitan ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sapagkat taglay Niya ang malalim na kasanhian. Kung sakaling niloob Niya ay talagang nagpatnubay Siya sana sa mga nilikha sa kalahatan.

• آية الكرسي هي أعظم آية في كتاب الله، لما تضمنته من ربوبية الله وألوهيته وبيان أوصافه .
Ang Talata ng Luklukan (Ayatulkursīy) ay pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh dahil sa naglaman ito ng pagkapanginoon ni Allāh, pagkadiyos Niya, at paglilinaw sa mga katangian Niya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• اتباع الإسلام والدخول فيه يجب أن يكون عن رضًا وقَبول، فلا إكراه في دين الله تعالى.
Ang pagsunod sa Islām at ang pagpasok dito ay kinakailangan na maging ayon sa pagkalugod at pagtanggap kaya walang pamimilit sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الاستمساك بكتاب الله وسُنَّة رسوله أعظم وسيلة للسعادة في الدنيا، والفوز في الآخرة.
Ang pagkapit sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya ay pinakadakilang kaparaanan para sa kaligayahan sa Mundo at tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (253) سورت: البقرة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول