د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (254) سورت: البقرة
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خُلَّةٞ وَلَا شَفَٰعَةٞۗ وَٱلۡكَٰفِرُونَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, gumugol kayo mula sa itinustos Namin sa inyo na magkakaibang mga yaman na ipinahihintulot bago pa pumunta ang Araw ng Pagbangon, na sa sandaling iyon ay walang bilihan doon na kakamit mula rito ang tao ng pakikinabangan niya, ni pagkakaibigang pakikinabangan niya sa oras ng kagipitan, ni pagpapagitnang magtutulak ng isang pinsala o hahatak ng isang pakinabang malibang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan sa totoo dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh – pagkataas-taas Siya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• أن الله تعالى قد فاضل بين رسله وأنبيائه، بعلمه وحكمته سبحانه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay naghambing nga sa pagitan ng mga sugo Niya at mga propeta Niya sa pamamagitan ng kaalaman Niya at karunungan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

• إثبات صفة الكلام لله تعالى على ما يليق بجلاله، وأنه قد كلم بعض رسله كموسى ومحمد عليهما الصلاة والسلام.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, at na Siya ay nagsalita nga sa ilan sa mga sugo Niya gaya nina Moises at Muḥammad – sumakanilang dalawa ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• الإيمان والهدى والكفر والضلال كلها بمشيئة الله وتقديره، فله الحكمة البالغة، ولو شاء لهدى الخلق جميعًا.
Ang pananampalataya at ang patnubay, at ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw, ang lahat ng mga ito ay sa pamamagitan ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sapagkat taglay Niya ang malalim na kasanhian. Kung sakaling niloob Niya ay talagang nagpatnubay Siya sana sa mga nilikha sa kalahatan.

• آية الكرسي هي أعظم آية في كتاب الله، لما تضمنته من ربوبية الله وألوهيته وبيان أوصافه .
Ang Talata ng Luklukan (Ayatulkursīy) ay pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh dahil sa naglaman ito ng pagkapanginoon ni Allāh, pagkadiyos Niya, at paglilinaw sa mga katangian Niya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• اتباع الإسلام والدخول فيه يجب أن يكون عن رضًا وقَبول، فلا إكراه في دين الله تعالى.
Ang pagsunod sa Islām at ang pagpasok dito ay kinakailangan na maging ayon sa pagkalugod at pagtanggap kaya walang pamimilit sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الاستمساك بكتاب الله وسُنَّة رسوله أعظم وسيلة للسعادة في الدنيا، والفوز في الآخرة.
Ang pagkapit sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya ay pinakadakilang kaparaanan para sa kaligayahan sa Mundo at tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (254) سورت: البقرة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول