د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (19) سورت: سبإ
فَقَالُواْ رَبَّنَا بَٰعِدۡ بَيۡنَ أَسۡفَارِنَا وَظَلَمُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَ وَمَزَّقۡنَٰهُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Ngunit nagpawalang-pakundangan sila sa biyaya ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalapit ng mga distansiya at nagsabi sila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga pamayanang iyon upang makalasap kami ng pagod ng mga paglalakbay at lumantad ang pagkatangi ng mga sasakyang hayop namin." Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagwawalang-pakundangan nila sa biyaya ni Allāh, pag-ayaw nila sa pagpapasalamat sa Kanya, at inggit nila sa mga maralita kabilang sa kanila. Kaya gumawa Kami sa kanila na maging mga pinag-uusapan na pinag-uusapan noong matapos nila. Nagpahiwa-hiwalay Kami sa kanila sa mga bayan nang buong pagpapahiwa-hiwalay sa paraang hindi sila nagkakaugnayan sa isa't isa sa kanila. Tunay na sa nabanggit na iyon na pagbibiyaya sa mga mamamayan ng Sheba, pagkatapos paghihiganti sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagwawalang-pakundangan nila ay talagang may maisasaalang-alang para sa bawat mapagtiis sa pagtalima kay Allāh, sa paglayo sa pagsuway sa Kanya, at sa pagsubok, na mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• الشكر يحفظ النعم، والجحود يسبب سلبها.
Ang pagpapasalamat ay nangangalaga sa mga biyaya at ang pagkakaila ay nagdadahilan ng pag-aalis sa mga ito.

• الأمن من أعظم النعم التي يمتنّ الله بها على العباد.
Ang katiwasayan ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga biyaya na ipinagmagandang-loob ni Allāh sa mga tao.

• الإيمان الصحيح يعصم من اتباع إغواء الشيطان بإذن الله.
Ang tumpak na pananampalataya ay nagsasanggalang laban sa pagsunod sa pagpapalisya ng demonyo ayon sa pahintulot ni Allāh.

• ظهور إبطال أسباب الشرك ومداخله كالزعم بأن للأصنام مُلْكًا أو مشاركة لله، أو إعانة أو شفاعة عند الله.
Ang paglitaw ng pagpapawalang-saysay sa mga kadahilanan ng shirk at mga pasukan nito gaya ng pag-aangkin na ang mga anito ay may paghahari o pakikihati kay Allāh o pagtulong o pamamagitan sa harap ni Allāh.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (19) سورت: سبإ
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول