د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (11) سورت: فاطر
وَٱللَّهُ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ جَعَلَكُمۡ أَزۡوَٰجٗاۚ وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَمَا يُعَمَّرُ مِن مُّعَمَّرٖ وَلَا يُنقَصُ مِنۡ عُمُرِهِۦٓ إِلَّا فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ
Si Allāh ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa inyo mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo na mga lalaki at mga babaing nag-aasawahan kayo sa gitna ninyo. Walang nagbubuntis na isang babae ng isang sanggol at walang nagsisilang ng anak nito malibang nasa kaalaman Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang nalilingid sa Kanya mula roon na anuman. Walang naidadagdag sa edad ng isa kabilang sa nilikha Niya at walang naibabawas mula roon malibang nangyaring iyon ay nakasulat sa Tablerong Pinangangalagaan. Tunay na ang nabanggit na iyon – na paglikha sa inyo mula sa alabok, paglikha sa inyo sa mga yugto, at pagsusulat ng mga edad ninyo sa Tablerong Pinangangalagaan – kay Allāh ay magaan.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• تسلية الرسول صلى الله عليه وسلم بذكر أخبار الرسل مع أقوامهم.
Ang pagpapalubag-loob sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga ulat tungkol sa mga sugo kasama ng mga tao nila.

• الاغترار بالدنيا سبب الإعراض عن الحق.
Ang pagkalinlang dahil sa Mundo ay isang kadahilanan ng pag-ayaw sa katotohanan.

• اتخاذ الشيطان عدوًّا باتخاذ الأسباب المعينة على التحرز منه؛ من ذكر الله، وتلاوة القرآن، وفعل الطاعة، وترك المعاصي.
Ang pagturing sa demonyo bilang kaaway ay sa pamamagitan ng paggawa sa mga kadahilanang nakatutulong sa pag-iingat laban sa kanya gaya ng pag-alaala kay Allāh, pagbigkas ng Qur'ān, paggawa ng pagtalima, at pag-iwan sa mga pagsuway.

• ثبوت صفة العلو لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng kataasan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (11) سورت: فاطر
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول