د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (119) سورت: المائدة
قَالَ ٱللَّهُ هَٰذَا يَوۡمُ يَنفَعُ ٱلصَّٰدِقِينَ صِدۡقُهُمۡۚ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Magsasabi si Allāh kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat sa mga layunin, mga gawain, at mga sinasabi ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman; hindi sila dadapuan ng kamatayan." Nalugod si Allāh sa kanila sapagkat hindi Siya naiinis sa kanila magpakailanman at nalugod sila sa Kanya dahil nagkamit sila ng kaginhawahang namamalagi. Ang ganti at ang pagkalugod sa kanila na iyon ay ang pagkatamong sukdulan sapagkat walang pagkatamong papantay rito.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• توعد الله تعالى كل من أصرَّ على كفره وعناده بعد قيام الحجة الواضحة عليه.
Nagbanta si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat nagpumilit sa kawalang-pananampalataya nito at pagmamatigas nito matapos ng paglalahad ng katwirang maliwanag dito.

• تَبْرئة المسيح عليه السلام من ادعاء النصارى بأنه أبلغهم أنه الله أو أنه ابن الله أو أنه ادعى الربوبية أو الألوهية.
Ang pagpapawalang-kaugnayan kay Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pag-aangkin ng mga Kristiyano na siya raw ay nagpaabot sa kanila na siya ay si Allāh o na siya ay anak ni Allāh o na siya ay nag-angkin ng pagkapanginoon o pagkadiyos.

• أن الله تعالى يسأل يوم القيامة عظماء الناس وأشرافهم من الرسل، فكيف بمن دونهم درجة؟!
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay magtatanong sa Araw ng Pagbangon sa mga dakila at mga maharlika ng mga tao na mga sugo, kaya papaano na ang sinumang mababa sa kanila sa antas?

• علو منزلة الصدق، وثناء الله تعالى على أهله، وبيان نفع الصدق لأهله يوم القيامة.
Ang kataasan ng kalagayan ng katapatan, ang pagpapapuri ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga alagad nito, at ang paglilinaw sa pakinabang sa katapatan para sa mga alagad nito sa Araw ng Pagbangon.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (119) سورت: المائدة
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول