د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (7) سورت: الحشر
مَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَٱلۡيَتَٰمَىٰ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِ كَيۡ لَا يَكُونَ دُولَةَۢ بَيۡنَ ٱلۡأَغۡنِيَآءِ مِنكُمۡۚ وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Ang anumang ibiniyaya ni Allāh sa Sugo Niya mula sa mga yaman ng mga naninirahan sa mga pamayanan nang walang pakikipaglaban ay ukol kay Allāh – itinatalaga Niya ito para sa sinumang niloloob Niya – ukol sa Sugo bilang pagmamay-ari, ukol sa mga may pagkakaanak Niya kabilang sa liping Hāshim at liping Al-Muṭṭalib bilang pagtutumbas para sa kanila kapalit ng ipinagkait sa kanila mula sa kawanggawa, ukol sa mga ulila, ukol sa mga maralita, at ukol sa estrangherong naubusan ng panggugol nito upang hindi malimitahan ang pagpapalipat-lipat ng yaman sa mga mayaman bukod pa sa mga maralita. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo mula sa mga yaman na nakumpiska ay kunin ninyo, O mga mananampalataya, at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• فعل ما يُظنُّ أنه مفسدة لتحقيق مصلحة عظمى لا يدخل في باب الفساد في الأرض.
Ang paggawa ng ipinagpapalagay na ito ay panggulo para magsakatuparan ng isang kapakanang pinakadakila ay hindi pumapasok sa pinto ng kaguluhan sa lupa.

• من محاسن الإسلام مراعاة ذي الحاجة للمال، فَصَرَفَ الفيء لهم دون الأغنياء المكتفين بما عندهم.
Kabilang sa mga kagandahan ng Islām ang pagsasaalang-alang sa mga may pangangailangan sa salapi kaya naglaan ito ng nakumpiskang yaman sa kanila sa halip na sa mga mayaman na nakasasapat sa taglay ng mga ito.

• الإيثار منقبة عظيمة من مناقب الإسلام ظهرت في الأنصار أحسن ظهور.
Ang altruismo ay isa sa mga dakilang napupurihang katangian sa Islām na lumitaw sa mga Tagapag-adya sa pinakamagandang paglitaw.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (7) سورت: الحشر
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول