د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه آیت: (106) سورت: الأنعام
ٱتَّبِعۡ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sumunod ka, O Sugo, sa ikinakasi sa iyo ng Panginoon mo na katotohanan sapagkat walang sinasamba ayon sa katotohanan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Huwag mong abalahin ang puso mo dahil sa mga tagalabag sa katarungan at pagmamatigas nila sapagkat ang usapin ukol sa kanila ay nasa kay Allāh.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• تنزيه الله تعالى عن الظلم الذي ترسِّخُه عقيدة (الجَبْر)، وبيان أن كفر العباد وشركهم أمر يحدث باختيارهم.
Ang pagwawalang-kinalaman kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa kawalang-katarungang ikinikintal ng Paniniwala ng Pagpilit at ang paglilinaw na ang kawalang-pananampalataya ng mga tao at ang pagtatambal nila kay Allāh ay isang bagay na nangyayari dahil sa pagpili nila.

• ليس بمقدور نبي من الأنبياء أن يأتي بآية من عند نفسه، أو متى شاء، بل ذلك أمر مردود لله تعالى، فهو القادر وحده على ذلك، وهو الحكيم الذي يُقَدِّر نوع الآية ووقت إظهارها.
Wala sa kakayahan ng isa sa mga propeta na magdulot ng isang tanda mula sa ganang sarili niya o kapag niloob niya, bagkus iyon ay isang bagay na isinasauli kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang Nakakakaya lamang roon at Siya ay ang Marunong na nagtatakda sa uri ng tanda at oras ng paglalantad nito.

• النهي عن سب آلهة المشركين حذرًا من مفسدة أكبر وهي التعدي بالسب على جناب رب العالمين.
Ang pagsaway sa pag-alipusta sa mga diyos ng mga tagapagtambal bilang pag-iingat sa katiwaliang higit na malaki, ang paglapastangan sa pamamagitan ng pag-alipusta sa kabanalan ng Panginoon ng mga nilalang.

• قد يحول الله سبحانه وتعالى بين العبد والهداية، ويُصرِّف بصره وقلبه على غير الطاعة؛ عقوبة له على اختياره الكفر.
Maaaring humarang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pagitan ng tao at ng kapatnubayan, at magbaling Siya ng paningin nito at puso nito sa hindi pagtalima bilang kaparusahan para rito sa pagpili nito sa kawalang-pananampalataya.

 
د معناګانو ژباړه آیت: (106) سورت: الأنعام
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول