د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه * - د ژباړو فهرست (لړلیک)


د معناګانو ژباړه سورت: الغاشية   آیت:

Al-Ghāshiyah

د سورت د مقصدونو څخه:
التذكير بالآخرة وما فيها من الثواب والعقاب، والنظر في براهين قدرة الله.
Ang pagpapaalaala hinggil sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa at ang pagtingin sa mga patotoo ng kakayahan ni Allāh.

هَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ ٱلۡغَٰشِيَةِ
Nakarating ba sa iyo, O Sugo, ang sanaysay ng Pagbangon [ng mga patay] na lulukob sa mga tao ng mga hilakbot nito?
عربي تفسیرونه:
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٍ خَٰشِعَةٌ
Ang mga tao sa Araw ng Pagbangon ay maaaring mga malumbay o maaaring mga maligaya, saka ang mga mukha ng mga malumbay ay kaaba-aba na nagpapasailalim,
عربي تفسیرونه:
عَامِلَةٞ نَّاصِبَةٞ
na pinapagod, na pinapata sa mga tanikalang kumakaladkad sa mga iyon at sa mga kulyar na ikinukulyar sa mga iyon,
عربي تفسیرونه:
تَصۡلَىٰ نَارًا حَامِيَةٗ
na papasok ang mga mukhang iyon sa isang apoy na mainit, na magdurusa sa init niyon,
عربي تفسیرونه:
تُسۡقَىٰ مِنۡ عَيۡنٍ ءَانِيَةٖ
na paiinumin mula sa isang bukal na matindi ang init ng tubig.
عربي تفسیرونه:
لَّيۡسَ لَهُمۡ طَعَامٌ إِلَّا مِن ضَرِيعٖ
Wala silang pagkaing ipantatawid-gutom nila maliban sa mula sa pinakakarima-rimarim na pagkain at pinakamabantot mula sa isang halamang tinatawag na Shibriq, na kapag natuyo ay nagiging nakalalason,
عربي تفسیرونه:
لَّا يُسۡمِنُ وَلَا يُغۡنِي مِن جُوعٖ
na hindi nagpapataba sa kumakain nito at hindi nakahahadlang sa pagkagutom niya.
عربي تفسیرونه:
وُجُوهٞ يَوۡمَئِذٖ نَّاعِمَةٞ
Ang mga mukha ng mga maligaya sa Araw na iyon ay may biyaya, saya, at galak dahil sa dinanas nila na kaginhawahan,
عربي تفسیرونه:
لِّسَعۡيِهَا رَاضِيَةٞ
na dahil sa maayos na gawa ng mga ito na ginagawa sa Mundo ay nalulugod sapagkat natagpuan ng mga ito ang gantimpala ng gawa ng mga ito na nakaimbak para sa mga ito, na pinag-ibayo,
عربي تفسیرونه:
فِي جَنَّةٍ عَالِيَةٖ
sa isang harding nakaangat ang lugar at ang kalagayan,
عربي تفسیرونه:
لَّا تَسۡمَعُ فِيهَا لَٰغِيَةٗ
na hindi sila makaririnig sa Paraiso ng salita ng kabulaanan at satsatan, lalo na para makarinig pa ng isang salitang ipinagbabawal.
عربي تفسیرونه:
فِيهَا عَيۡنٞ جَارِيَةٞ
Sa harding ito ay may mga bukal na dumadaloy na pabubulwakin nila at ibabaling nila kung papaano nila loloobin.
عربي تفسیرونه:
فِيهَا سُرُرٞ مَّرۡفُوعَةٞ
Doon ay may mga kamang mataas.
عربي تفسیرونه:
وَأَكۡوَابٞ مَّوۡضُوعَةٞ
May mga kopang nakahain na nakalaan para sa pag-inom.
عربي تفسیرونه:
وَنَمَارِقُ مَصۡفُوفَةٞ
May mga unan na nakasiksik sa isa't isa.
عربي تفسیرونه:
وَزَرَابِيُّ مَبۡثُوثَةٌ
Sa loob niyon ay may maraming alpombrang nakalatag dito at doon.
عربي تفسیرونه:
أَفَلَا يَنظُرُونَ إِلَى ٱلۡإِبِلِ كَيۡفَ خُلِقَتۡ
Kaya hindi ba sila tumitingin nang pagtingin ng pagninilay-nilay sa mga kamelyo kung papaanong lumikha si Allāh ng mga ito at nagpasilbi ng mga ito sa mga anak ni Adan?
عربي تفسیرونه:
وَإِلَى ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ رُفِعَتۡ
[Hindi ba] sila tumitingin sa langit kung papaano Siya nag-angat nito hanggang sa ito ay maging nasa itaas nila bilang bubong na pinag-iingatan, na hindi bumabagsak sa kanila?
عربي تفسیرونه:
وَإِلَى ٱلۡجِبَالِ كَيۡفَ نُصِبَتۡ
[Hindi ba] sila tumitingin sa mga bundok kung papaano Siya nagtirik ng mga ito at nagpatatag sa pamamagitan ng mga ito sa lupa na baka maalog ito ng mga tao?
عربي تفسیرونه:
وَإِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَيۡفَ سُطِحَتۡ
[Hindi ba] sila tumitingin sa lupa kung papaano Siya naglatag nito at gumawa nito na nakahanda para sa pagtigil ng mga tao sa ibabaw nito?
عربي تفسیرونه:
فَذَكِّرۡ إِنَّمَآ أَنتَ مُذَكِّرٞ
Kaya mangaral ka, O Sugo, sa mga ito at magpangamba ka sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh. Ikaw ay isang tagapagpaalaala lamang; walang hinihiling sa iyo kundi ang pagpapaalaala sa kanila. Tungkol naman sa pagtutuon sa kanila sa pananampalataya, ito ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya.
عربي تفسیرونه:
لَّسۡتَ عَلَيۡهِم بِمُصَيۡطِرٍ
Hindi ka sa kanila isang tagapangibabaw upang pumilit ka sa kanila sa pananampalataya.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• أهمية تطهير النفس من الخبائث الظاهرة والباطنة.
Ang kahalagahan ng pagdadalisay sa sarili mula sa mga karimarimarim na panlabas at panloob.

• الاستدلال بالمخلوقات على وجود الخالق وعظمته.
Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nilikha sa kairalan ng Tagalikha at kadakilaan Niya.

• مهمة الداعية الدعوة، لا حمل الناس على الهداية؛ لأن الهداية بيد الله.
Ang misyon ng tagapag-anyaya tungo sa Islām ay ang pag-aanyaya, hindi ang pagdala sa mga tao sa kapatnubayan dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh.

إِلَّا مَن تَوَلَّىٰ وَكَفَرَ
Subalit ang sinumang tumalikod kabilang sa kanila sa pananampalataya at tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya
عربي تفسیرونه:
فَيُعَذِّبُهُ ٱللَّهُ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَكۡبَرَ
ay pagdurusahin siya ni Allāh sa Araw ng Pagbangon ng pagdurusang pinakamabigat sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya sa Impiyerno bilang mamamalagi roon.
عربي تفسیرونه:
إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ
Tunay na tungo sa Amin lamang ang pagbabalik nila matapos ng kamatayan nila.
عربي تفسیرونه:
ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم
Pagkatapos tunay na sa Amin lamang ang pagtutuos sa kanila sa mga gawa nila, at hindi ukol sa iyo iyon ni ukol sa isang iba pa sa iyo.
عربي تفسیرونه:
په دې مخ کې د ایتونو د فایدو څخه:
• فضل عشر ذي الحجة على أيام السنة.
Ang kainaman ng Unang Sampung Araw ng Dhulḥijjah higit sa mga ibang araw ng taon.

• ثبوت المجيء لله تعالى يوم القيامة وفق ما يليق به؛ من غير تشبيه ولا تمثيل ولا تعطيل.
Ang katibayan ng pagdating para kay Allāh sa Araw ng Pagbangon alinsunod sa naaangkop sa Kanya nang walang pagwawangis, walang pagtutulad, at walang pag-aalis ng kahulugan.

• المؤمن إذا ابتلي صبر وإن أعطي شكر.
Ang mananampalataya, kapag sinubok, ay nagtitiis. Kung binigyan siya ay nagpapasalamat siya.

 
د معناګانو ژباړه سورت: الغاشية
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه - د ژباړو فهرست (لړلیک)

د المختصر فی تفسیر القرآن الکریم فلیپیني (تجالوج) ژباړه، د مرکز تفسیر للدارسات القرآنیة لخوا خپور شوی.

بندول