Check out the new design

د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز * - د ژباړو فهرست (لړلیک)

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

د معناګانو ژباړه سورت: فتح   آیت:

Al-Fat'h

إِنَّا فَتَحۡنَا لَكَ فَتۡحٗا مُّبِينٗا
Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo [O Muḥammad] ng isang malinaw na pagwagi[1]
[1] dahil sa kasunduan ng pagyapa ng Ḥudaybīyah
عربي تفسیرونه:
لِّيَغۡفِرَ لَكَ ٱللَّهُ مَا تَقَدَّمَ مِن ذَنۢبِكَ وَمَا تَأَخَّرَ وَيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَيَهۡدِيَكَ صِرَٰطٗا مُّسۡتَقِيمٗا
upang magpatawad sa iyo si Allāh sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid,
عربي تفسیرونه:
وَيَنصُرَكَ ٱللَّهُ نَصۡرًا عَزِيزًا
at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan.
عربي تفسیرونه:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ ٱلسَّكِينَةَ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ لِيَزۡدَادُوٓاْ إِيمَٰنٗا مَّعَ إِيمَٰنِهِمۡۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong.
عربي تفسیرونه:
لِّيُدۡخِلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِندَ ٱللَّهِ فَوۡزًا عَظِيمٗا
[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan –
عربي تفسیرونه:
وَيُعَذِّبَ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ وَٱلۡمُشۡرِكَٰتِ ٱلظَّآنِّينَ بِٱللَّهِ ظَنَّ ٱلسَّوۡءِۚ عَلَيۡهِمۡ دَآئِرَةُ ٱلسَّوۡءِۖ وَغَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ وَلَعَنَهُمۡ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرٗا
at [upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan!
عربي تفسیرونه:
وَلِلَّهِ جُنُودُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
عربي تفسیرونه:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ شَٰهِدٗا وَمُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muḥammad] bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak [na mamamalaging Kaginhawahan], at bilang mapagbabala [ng Pagdurusa],
عربي تفسیرونه:
لِّتُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُعَزِّرُوهُ وَتُوَقِّرُوهُۚ وَتُسَبِّحُوهُ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلًا
upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, kumatig kayo rito, gumalang kayo rito, at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at sa gabi.
عربي تفسیرونه:
 
د معناګانو ژباړه سورت: فتح
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز - د ژباړو فهرست (لړلیک)

دا ژباړه د مرکز رواد الترجمة ټیم لخوا د ربوہ د تبلیغ ټولنې او د اسلامي منځپانګې د خدماتو ټولنې په همکارۍ شوې.

بندول