Check out the new design

د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز * - د ژباړو فهرست (لړلیک)

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

د معناګانو ژباړه سورت: انعام   آیت:
۞ إِنَّ ٱللَّهَ فَالِقُ ٱلۡحَبِّ وَٱلنَّوَىٰۖ يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَمُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتِ مِنَ ٱلۡحَيِّۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Tunay na si Allāh ay tagapabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay, at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si Allāh, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]?
عربي تفسیرونه:
فَالِقُ ٱلۡإِصۡبَاحِ وَجَعَلَ ٱلَّيۡلَ سَكَنٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ حُسۡبَانٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
[Siya ay] ang tagabuka ng madaling-araw at gumawa sa gabi bilang pamamahinga at sa araw at buwan bilang pagtutuus-tuos. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.
عربي تفسیرونه:
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلنُّجُومَ لِتَهۡتَدُواْ بِهَا فِي ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng mga bituin upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga kadiliman ng katihan at karagatan. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam.
عربي تفسیرونه:
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ فَمُسۡتَقَرّٞ وَمُسۡتَوۡدَعٞۗ قَدۡ فَصَّلۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَفۡقَهُونَ
Siya ay ang nagpaluwal sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa saka [nagbigay ng] isang pinagtitigilan at isang pinaglalagakan [sa sinapupunan]. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umuunawa.
عربي تفسیرونه:
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ نَبَاتَ كُلِّ شَيۡءٖ فَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهُ خَضِرٗا نُّخۡرِجُ مِنۡهُ حَبّٗا مُّتَرَاكِبٗا وَمِنَ ٱلنَّخۡلِ مِن طَلۡعِهَا قِنۡوَانٞ دَانِيَةٞ وَجَنَّٰتٖ مِّنۡ أَعۡنَابٖ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُشۡتَبِهٗا وَغَيۡرَ مُتَشَٰبِهٍۗ ٱنظُرُوٓاْ إِلَىٰ ثَمَرِهِۦٓ إِذَآ أَثۡمَرَ وَيَنۡعِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكُمۡ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng halaman ng bawat bagay, saka nagpalabas mula rito ng mga luntian, na nagpapalabas mula sa mga ito ng mga butil na nagkakapatung-patong at mula sa mga punong datiles mula sa bunga ng mga ito ng mga buwig na naaabot, at ng mga hardin ng mga ubas, ng mga oliba, at mga granada, na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Tumingin kayo sa mga bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at sa paghinog ng mga ito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya [kay Allāh].
عربي تفسیرونه:
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ شُرَكَآءَ ٱلۡجِنَّ وَخَلَقَهُمۡۖ وَخَرَقُواْ لَهُۥ بَنِينَ وَبَنَٰتِۭ بِغَيۡرِ عِلۡمٖۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يَصِفُونَ
Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal – ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito – at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang inilalarawan nila.
عربي تفسیرونه:
بَدِيعُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَنَّىٰ يَكُونُ لَهُۥ وَلَدٞ وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ صَٰحِبَةٞۖ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ
Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa ay paano nagiging mayroong anak samantalang hindi naman Siya naging mayroong asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam.
عربي تفسیرونه:
 
د معناګانو ژباړه سورت: انعام
د سورتونو فهرست (لړلیک) د مخ نمبر
 
د قرآن کریم د معناګانو ژباړه - فلیپیني (تګالوګ) ژباړه - د رواد الترجمة مرکز - د ژباړو فهرست (لړلیک)

دا ژباړه د مرکز رواد الترجمة ټیم لخوا د ربوہ د تبلیغ ټولنې او د اسلامي منځپانګې د خدماتو ټولنې په همکارۍ شوې.

بندول