Check out the new design

Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Surah: Al-Kahf   Versículo:

Al-Kahf

Dos propósitos do capítulo:
بيان منهج التعامل مع الفتن.
Ang paglilinaw sa metodolohiya ng pakikitungo sa mga sigalot.

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَٰبَ وَلَمۡ يَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ
Ang pagbubunyi, dahil sa mga katangian ng kalubusan at kapitaganan at dahil sa mga biyayang hayag at kubli, ay ukol kay Allāh lamang na nagpababa ng Qur'ān sa Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan. Hindi Siya naglagay sa Qur'ān na ito ng isang pagkabaluktot at isang pagkiling palayo sa katotohanan.
Os Tafssir em língua árabe:
قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا
Bagkus gumawa Siya rito bilang tuwid, na walang salungatan dito at walang pagkakaiba-iba, upang magpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang malakas mula sa ganang Kanya na naghihintay sa kanila, at upang magpabatid sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga gawaing maayos hinggil sa magpapagalak sa kanila: na ukol sa kanila ay isang gantimpalang maganda, na hindi napapantayan ng anumang gantimpala.
Os Tafssir em língua árabe:
مَّٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدٗا
bilang mga mananatili sa gantimpalang ito magpakailanman sapagkat hindi ito mapuputol sa kanila.
Os Tafssir em língua árabe:
وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗا
at magpangamba sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at ilan sa mga tagapagtambal, na nagsabi: "Gumawa si Allāh ng anak."
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• أنزل الله القرآن متضمنًا الحق والعدل والشريعة والحكم الأمثل .
Nagpababa si Allāh ng Qur'ān na naglalaman ng katotohanan, katarungan, batas, at kahatulang pinakaideyal.

• جواز البكاء في الصلاة من خوف الله تعالى.
Ang pagpayag sa pag-iyak sa dasal dala ng pangamba kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الدعاء أو القراءة في الصلاة يكون بطريقة متوسطة بين الجهر والإسرار.
Ang pagdalangin o ang pagbigkas sa dasal ay ayon sa paraang katamtaman sa pagitan ng pag-iingay at paglilihim.

• القرآن الكريم قد اشتمل على كل عمل صالح موصل لما تستبشر به النفوس وتفرح به الأرواح.
Ang Marangal na Qur'ān ay sumaklaw nga sa bawat gawaing maayos na nagpapaabot ng anumang nagpapagalak sa mga kaluluwa at ikinatutuwa ng mga espiritu.

 
Tradução dos significados Surah: Al-Kahf
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

emitido pelo Centro de Tafssir para Estudos do Alcorão

Fechar