Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (130) Surah: Suratu Ta-Ha
فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ غُرُوبِهَاۖ وَمِنۡ ءَانَآيِٕ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡ وَأَطۡرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرۡضَىٰ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling sa iyo na mga paglalarawang bulaan. Magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw, sa dasal sa hapon bago ng paglubog nito, sa dasal sa takip-silim at gabi mula sa mga oras ng gabi, sa dasal sa tanghali sa sandali ng paglihis [ng araw sa katanghaliang-tapat] matapos ng pagwawakas ng unang bahagi ng maghapon, at sa dasal sa takipsilim matapos ng pagwawakas ng ikalawang bahagi ng maghapon, sa pag-asang magtamo ka sa ganang kay Allāh ng gantimpalang kalulugdan mo.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• من الأسباب المعينة على تحمل إيذاء المعرضين استثمار الأوقات الفاضلة في التسبيح بحمد الله.
Kabilang sa mga kadahilanang tagatulong sa pagbata sa pananakit ng mga tagaayaw ang pamumuhunan ng mga oras na mainam sa pagluluwalhati kalakip ng papuri kay Allāh.

• ينبغي على العبد إذا رأى من نفسه طموحًا إلى زينة الدنيا وإقبالًا عليها أن يوازن بين زينتها الزائلة ونعيم الآخرة الدائم.
Nararapat sa tao, kapag nakakita siya mula sa sarili niya ng isang ambisyon sa gayak ng Mundo at isang pagkahumaling dito, na magtimbang siya sa pagitan ng gayak nitong naglalaho at kaginhawahang namamalagi ng Kabilang-buhay.

• على العبد أن يقيم الصلاة حق الإقامة، وإذا حَزَبَهُ أمْر صلى وأَمَر أهله بالصلاة، وصبر عليهم تأسيًا بالرسول صلى الله عليه وسلم.
Kailangan sa tao na magpanatili ng pagdarasal ayon sa totoong pagpapanatili. Kapag tumindi sa kanya ang isang pangyayari ay magdarasal siya at mag-uutos siya sa mag-anak niya ng pagdarasal. Magtitiis siya sa kanila bilang pagtulad sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.

• العاقبة الجميلة المحمودة هي الجنة لأهل التقوى.
Ang kahihinatnang magandang pinupuri ay ang Paraiso para sa mga alagad ng pangingilag magkasala.

 
Tradução dos significados Versículo: (130) Surah: Suratu Ta-Ha
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar