Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (117) Surah: Suratu Al-Muminun
وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa, nang walang katwiran para sa kanya sa pagiging karapat-dapat nito sa pagsamba (ito ay nauukol sa bawat sinasambang iba pa kay Allāh), ang ganti sa gawa niyang masagwa ay nasa ganang Panginoon niya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat si Allāh ay ang gaganti sa kanya sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanya. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa pagtamo ng hinihiling nila, ni sa pagkaligtas sa pinangingilabutan nila.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• الكافر حقير مهان عند الله.
Ang tagatangging sumampalataya ay isang kalait-lait na hinahamak sa ganang kay Allāh.

• الاستهزاء بالصالحين ذنب عظيم يستحق صاحبه العذاب.
Ang pangungutya sa mga maayos [na tao] ay isang pagkakasalang mabigat na nagiging karapat-dapat ang tagapagsagawa nito sa pagdurusa.

• تضييع العمر لازم من لوازم الكفر.
Ang pagsasayang ng buhay ay isa sa mga kinakasama ng kawalang-pananampalataya.

• الثناء على الله مظهر من مظاهر الأدب في الدعاء.
Ang pagbubunyi kay Allāh ay isa sa mga aspeto ng kaasalan sa panalangin.

• لما افتتح الله سبحانه السورة بذكر صفات فلاح المؤمنين ناسب أن تختم السورة بذكر خسارة الكافرين وعدم فلاحهم.
Noong binuksan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ang kabanata sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian ng pananagumpay ng mga mananampalataya, umalinsabay naman na magwakas ang kabanata sa pamamagitan ng pagbanggit sa pagkalugi ng mga tagatangging sumampalataya at hindi pananagumpay nila.

 
Tradução dos significados Versículo: (117) Surah: Suratu Al-Muminun
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar