Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (47) Surah: Suratu An-Nur
وَيَقُولُونَ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلرَّسُولِ وَأَطَعۡنَا ثُمَّ يَتَوَلَّىٰ فَرِيقٞ مِّنۡهُم مِّنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَۚ وَمَآ أُوْلَٰٓئِكَ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw: "Sumampalataya kami kay Allāh at sumampalataya Kami sa Sugo, at tumalima Kami kay Allāh at tumalima Kami sa Sugo Niya." Pagkatapos ay may tumatalikod na isang pangkatin kabilang sa kanila kaya hindi tumatalima ang mga iyon kay Allāh at sa Sugo Niya sa pag-uutos ng pakikibaka sa landas ni Allāh at ng iba pa matapos na pag-aangkin ng mga iyon na pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at pagtalima sa kanilang dalawa. Ang mga tumatalikod na iyon sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay hindi ang mga mananampalataya, kahit pa nagpahayag sila na sila raw ay mga mananampalataya.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• تنوّع المخلوقات دليل على قدرة الله.
Ang pagkasarisari ng mga nilikha ay isang patunay sa kakayahan ni Allāh.

• من صفات المنافقين الإعراض عن حكم الله إلا إن كان الحكم في صالحهم، ومن صفاتهم مرض القلب والشك، وسوء الظن بالله.
Kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw ay ang pag-ayaw sa kahatulan ni Allāh, maliban kung ang kahatulan ay sa kapakanan nila. Kabilang sa katangian nila ang karamdaman sa puso, ang pagdududa, at ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh.

• طاعة الله ورسوله والخوف من الله من أسباب الفوز في الدارين.
Ang pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya at ang pangamba kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtamo sa Mundo at Kabilang-buhay.

• الحلف على الكذب سلوك معروف عند المنافقين.
Ang panunumpa ng kasinungalingan ay ugaling kilala sa ganang mga mapagpaimbabaw.

 
Tradução dos significados Versículo: (47) Surah: Suratu An-Nur
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar