Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (50) Surah: Suratu Ghafir
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ تَكُ تَأۡتِيكُمۡ رُسُلُكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ قَالُواْ بَلَىٰۚ قَالُواْ فَٱدۡعُواْۗ وَمَا دُعَٰٓؤُاْ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٍ
Magsasabi ang mga tanod ng Impiyerno bilang tugon sa mga tagatangging sumampalataya: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo; sila dati ay nagdadala sa amin ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag." Magsasabi ang mga tanod bilang pang-uuyam sa kanila: "Kaya dumalangin kayo mismo, ngunit kami ay hindi namamagitan para sa mga tagatangging sumampalataya." Walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang kawalang-saysay at isang pagkasayang dahil sa hindi pagtanggap nito mula sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• نصر الله لرسله وللمؤمنين سُنَّة إلهية ثابتة.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga sugo Niya at mga mananampalataya ay isang kalakarang pandiyos na matatag.

• اعتذار الظالم يوم القيامة لا ينفعه.
Ang pagdadahi-dahilan ng tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ay hindi magpapakinabang sa kanya.

• أهمية الصبر في مواجهة الباطل.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa pagharap sa kabulaanan.

• دلالة خلق السماوات والأرض على البعث؛ لأن من خلق ما هو عظيم قادر على إعادة الحياة إلى ما دونه.
Ang pahiwatig ng pagkakalikha sa mga langit at lupa sa pagbubuhay na muli dahil sa ang lumikha sa isang dakilang bagay ay nakakakaya sa pagpapanumbalik ng buhay sa isang mababa pa roon.

 
Tradução dos significados Versículo: (50) Surah: Suratu Ghafir
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar