Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (35) Surah: Suratu Al-Ahqaf
فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَ مَا يُوعَدُونَ لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَٰغٞۚ فَهَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kababayan mo sa iyo tulad ng pagtitiis ng mga may pagtitika kabilang sa mga sugo na sina Noe, Abraham, Moises, at Jesus – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – at huwag mong madaliin para sa kanila ang pagdurusa. Para bang ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila na pagdurusa sa Kabilang-buhay – ay hindi nanatili sa Mundo kundi isang oras mula sa maghapon dahil sa haba ng pagdurusa nila. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang pagpapaabot at isang kasapatan para sa tao at jinn kaya walang ipahahamak sa pamamagitan ng pagdurusa kundi ang mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• من حسن الأدب الاستماع إلى المتكلم والإنصات له.
Bahagi ng kagandahan ng kaasalan ang pakikinig sa nagsasalita at ang pananahimik para sa kanya.

• سرعة استجابة المهتدين من الجنّ إلى الحق رسالة ترغيب إلى الإنس.
Ang bilis ng pagtugon ng mga napatnubayan kabilang sa mga jinn sa katotohanan ay isang mensahe ng pagpapaibig sa tao.

• الاستجابة إلى الحق تقتضي المسارعة في الدعوة إليه.
Ang pagtugon sa katotohanan ay humihiling ng pagdadali-dali sa pag-aanyaya tungo roon.

• الصبر خلق الأنبياء عليهم السلام.
Ang pagtitiis ay kaasalan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan.

 
Tradução dos significados Versículo: (35) Surah: Suratu Al-Ahqaf
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar