Check out the new design

Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Surah: Qaf   Versículo:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ وَنَعۡلَمُ مَا تُوَسۡوِسُ بِهِۦ نَفۡسُهُۥۖ وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنۡ حَبۡلِ ٱلۡوَرِيدِ
Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang sinasalita sa kanya ng sarili niya na mga hiwatig at mga ideya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat na natatagpuan sa leeg, na umaabot sa puso.
Os Tafssir em língua árabe:
إِذۡ يَتَلَقَّى ٱلۡمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٞ
[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang anghel na tagatanggap ng gawa ng tao, na ang isa sa dalawa ay nakaupo sa gawing kanan niya at ang ikalawa ay nakaupo sa gawing kaliwa niya.
Os Tafssir em língua árabe:
مَّا يَلۡفِظُ مِن قَوۡلٍ إِلَّا لَدَيۡهِ رَقِيبٌ عَتِيدٞ
Wala siyang sinasabi na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang anghel na mapagmasid sa anumang sinasabi niya, na nakadalo.
Os Tafssir em língua árabe:
وَجَآءَتۡ سَكۡرَةُ ٱلۡمَوۡتِ بِٱلۡحَقِّۖ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنۡهُ تَحِيدُ
Maghahatid ang katindihan ng kamatayan ng katotohanang walang matatakasan; iyon, O taong nalilingat, ang dati mong ipinahuhuli at tinatakasan.
Os Tafssir em língua árabe:
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡوَعِيدِ
Iihip ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip, iyon sa Araw ng Pagbangon ay ang Araw ng Pagbabanta ng pagdurusa para sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail.
Os Tafssir em língua árabe:
وَجَآءَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّعَهَا سَآئِقٞ وَشَهِيدٞ
Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang anghel na aakay rito at isang anghel na sasaksi rito sa mga gawa nito.
Os Tafssir em língua árabe:
لَّقَدۡ كُنتَ فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا فَكَشَفۡنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلۡيَوۡمَ حَدِيدٞ
Sasabihin sa inaakay na taong ito: "Talaga ngang ikaw dati sa Mundo ay nasa isang pagkalingat sa Araw na ito dahilan sa pagkalinlang sa iyo ng mga pagnanasa mo at mga minamasarap mo, kaya humawi Kami sa iyo ng pagkalingat mo sa pamamagitan ng magpapasakit sa iyo na pagdurusa at pighati kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas, na matatalos mo sa pamamagitan nito ang bagay na ikaw dati ay nasa isang pagkalingat."
Os Tafssir em língua árabe:
وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ
Magsasabi ang kaugnay niyang nakatalaga sa kanya kabilang sa mga anghel: "Ito, ang taglay ko mula sa gawa niya, ay nakahanda nang walang bawas ni dagdag."
Os Tafssir em língua árabe:
أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٖ
Magsasabi si Allāh sa dalawang anghel, ang tagahatid at ang tagasaksi: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat mapagtanggi sa katotohanan, na tagapagmatigas dito,
Os Tafssir em língua árabe:
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٖ مُّرِيبٍ
madalas ang pagkakait ng isinatungkulin ni Allāh sa kanya na tungkulin, tagalampas sa mga hangganan ni Allāh, tagapagduda sa ipinababatid sa kanya na pangako o banta,
Os Tafssir em língua árabe:
ٱلَّذِي جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلۡقِيَاهُ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ
na gumawa kasama kay Allāh ng ibang sinasambang itinatambal kasama sa Kanya sa pagsamba. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi."
Os Tafssir em língua árabe:
۞ قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطۡغَيۡتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ
Magsasabi ang kaugnay niya kabilang sa mga demonyo habang nagpapawalang-kaugnayan sa kanya: "Panginoon namin, hindi ko siya iniligaw, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan."
Os Tafssir em língua árabe:
قَالَ لَا تَخۡتَصِمُواْ لَدَيَّ وَقَدۡ قَدَّمۡتُ إِلَيۡكُم بِٱلۡوَعِيدِ
Magsasabi si Allāh: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko sapagkat walang silbi roon, saka nagpauna na Ako para sa inyo sa Mundo ng inihatid ng mga sugo Ko na bantang matindi para sa sinumang tumangging sumampalataya sa Akin at sumuway sa Akin.
Os Tafssir em língua árabe:
مَا يُبَدَّلُ ٱلۡقَوۡلُ لَدَيَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Hindi nababago ang sinabi sa piling Ko at hindi nasisira ang pangako ko. Hindi Ako lumalabag sa katarungan sa mga alipin sa pamamagitan ng kabawasan sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng karagdagan sa mga masagwang gawa nila, bagkus gaganti Ako sa kanila sa anumang ginawa nila."
Os Tafssir em língua árabe:
يَوۡمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمۡتَلَأۡتِ وَتَقُولُ هَلۡ مِن مَّزِيدٖ
Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka kaya ng itinapon sa iyo na mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway?" Kaya sasagot ito sa Panginoon nito: "May dagdag pa kaya?" bilang paghiling ng karagdagan dala ng pagkagalit alang-alang sa Panginoon nito.
Os Tafssir em língua árabe:
وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ غَيۡرَ بَعِيدٍ
Ilalapit ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya kaya makasasaksi sila sa anumang naroon na kaginhawahan nang hindi malayo mula sa kanila.
Os Tafssir em língua árabe:
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٖ
Sasabihin sa kanila: "Ito ay ang ipinangako sa inyo ni Allāh – para sa bawat palabalik sa Panginoon niya sa pagbabalik-loob, tagaingat ng anumang inobliga sa kanya ng Panginoon niya,
Os Tafssir em língua árabe:
مَّنۡ خَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِ وَجَآءَ بِقَلۡبٖ مُّنِيبٍ
na sinumang nangamba kay Allāh nang lihim kung saan walang nakakikita sa kanya kundi si Allāh at nakipagkita kay Allāh na may pusong malinis na dumudulog kay Allāh, na madalas ang pagbabalik sa Kanya."
Os Tafssir em língua árabe:
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٖۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ
Sasabihin sa Kanila: "Pumasok kayo sa Paraiso ayon sa pagpapasok na nasasamahan ng kaligtasan mula sa kinasusuklaman ninyo; iyon ay ang Araw ng Pananatili na walang paglaho matapos niyon."
Os Tafssir em língua árabe:
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٞ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito na kaginhawahang hindi nauubos at mayroon Kaming isang dagdag na kaginhawahan kabilang sa anumang walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi sumagi sa puso ng tao, at kabilang dito ang pagkakita kay Allāh.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• علم الله بما يخطر في النفوس من خير وشر.
Ang kaalaman ni Allāh sa anumang sumasagi sa mga kaluluwa na kabutihan at kasamaan.

• خطورة الغفلة عن الدار الآخرة.
Ang panganib ng pagkalingat sa Tahanang Pangkabilang-buhay.

• ثبوت صفة العدل لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng katarungan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Tradução dos significados Surah: Qaf
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

emitido pelo Centro de Tafssir para Estudos do Alcorão

Fechar