Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (18) Surah: Suratu Al-Hadid
إِنَّ ٱلۡمُصَّدِّقِينَ وَٱلۡمُصَّدِّقَٰتِ وَأَقۡرَضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗا يُضَٰعَفُ لَهُمۡ وَلَهُمۡ أَجۡرٞ كَرِيمٞ
Tunay na ang mga lalaking tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila at ang mga babaing tagapagkawanggawa ng ilan sa mga yaman nila, at ang mga gumugugol nito dala ng kasiyahan ng mga sarili nila nang walang panunumbat ni pamiminsala ay magpapaibayo Siya para sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ukol sa kanila sa kabila niyon ay isang gantimpalang marangal sa ganang kay Allāh, ang Paraiso.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• امتنان الله على المؤمنين بإعطائهم نورًا يسعى أمامهم وعن أيمانهم.
Ang pagmamagandang-loob ni Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang liwanag na sisinag sa harapan nila at sa dakong mga kanan nila.

• المعاصي والنفاق سبب للظلمة والهلاك يوم القيامة.
Ang mga pagsuway at ang pagpapaimbabaw ay isang kadahilanan para sa kadiliman at kapahamakan sa Araw ng Pagbangon.

• التربُّص بالمؤمنين والشك في البعث، والانخداع بالأماني، والاغترار بالشيطان: من صفات المنافقين.
Ang pag-aabang ng masama sa mga mananampalataya, ang pagdududa sa pagbubuhay, ang pagkadaya dahil sa mga mithiin, ang pagkalinlang dahil sa demonyo ay kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.

• خطر الغفلة المؤدية لقسوة القلوب.
Ang panganib ng pagkalingat na humahantong sa katigasan ng mga puso.

 
Tradução dos significados Versículo: (18) Surah: Suratu Al-Hadid
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar