Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (3) Surah: Suratu Al-Mumtahana
لَن تَنفَعَكُمۡ أَرۡحَامُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡۚ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَفۡصِلُ بَيۡنَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagkakamag-anak ninyo ni ang mga anak ninyo kapag nakipagtangkilikan kayo sa mga tagatangging sumampalataya alang-alang sa kanila. Sa Araw ng Pagbangon ay maghahati-hati si Allāh sa pagitan ninyo para pumasok sa Hardin ang mga maninirahan sa Hardin kabilang sa inyo at sa Apoy ang mga maninirahan sa Apoy kaya hindi magpapakinabang ang iba sa inyo sa iba pa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• تسريب أخبار أهل الإسلام إلى الكفار كبيرة من الكبائر.
Ang pagbubunyag ng mga ulat tungkol sa mga alagad ng Islām sa mga tagatangging sumampalataya ay isa sa mga malaking kasalanan.

• عداوة الكفار عداوة مُتَأصِّلة لا تؤثر فيها موالاتهم.
Ang pagkamuhi ng mga tagatangging sumampalataya ay isang pagkamuhing nakaugat na hindi nakaaapekto rito ang pakikipagtangkilikan sa kanila.

• استغفار إبراهيم لأبيه لوعده له بذلك، فلما نهاه الله عن ذلك لموته على الكفر ترك الاستغفار له.
Ang paghingi ng tawad ni Abraham sa ama niya ay dahil sa pangako niya rito niyon, ngunit noong sinaway siya ni Allāh doon dahil sa pagkamatay ng ama niya sa kawalang-pananampalataya, itinigil niya ang paghingi ng tawad para roon.

 
Tradução dos significados Versículo: (3) Surah: Suratu Al-Mumtahana
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar