Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. * - Índice de tradução


Tradução dos significados Versículo: (139) Surah: Suratu Al-Araaf
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ مُتَبَّرٞ مَّا هُمۡ فِيهِ وَبَٰطِلٞ مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Tunay na ang mga nananatiling ito sa pagsamba ng mga anito nila ay ipapahamak ang anumang ginagawa nilang pagsamba sa iba pa kay Allāh at walang-kabuluhan ang lahat ng dati nilang ginagawa na pagtalima dahil sa pagtatambal nila sa pagsamba kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.
Os Tafssir em língua árabe:
Das notas do versículo nesta página:
• تؤكد الأحداث أن بني إسرائيل كانوا ينتقلون من ضلالة إلى أخرى على الرغم من وجود نبي الله موسى بينهم.
Nagbibigay-diin ang mga pangyayari na ang mga anak ni Israel noon ay nagpapalipat-lipat mula sa isang kaligawan tungo sa isa pa sa kabila ng kairalan ng propeta ni Allāh na si Moises sa gitna nila.

• من مظاهر خذلان الأمة أن تُحَسِّن القبيح، وتُقَبِّح الحسن بمجرد الرأي والأهواء.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagkakanulo ng kalipunan ay na magpaganda ito ng pangit at magpapangit ito ng maganda sa pamamagitan lamang ng pananaw at mga pithaya.

• إصلاح الأمة وإغلاق أبواب الفساد هدف سام للأنبياء والدعاة.
Ang pagsasaayos sa kalipunan at ang pagsasara sa mga pinto ng mga katiwalian ay isang matayog na layunin para sa mga propeta at mga mangangaral ng Islām.

• قضى الله تعالى ألا يراه أحد من خلقه في الدنيا، وسوف يكرم من يحب من عباده برؤيته في الآخرة.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – na hindi makakita sa Kanya ang isa sa mga nilikha Niya sa Mundo. Magpaparangal Siya sa sinumang iniibig Niya sa mga lingkod Niya sa pamamagitan ng pagkakita sa Kanya sa Kabilang-buhay.

 
Tradução dos significados Versículo: (139) Surah: Suratu Al-Araaf
Índice de capítulos Número de página
 
Tradução dos significados do Nobre Qur’an. - Tradução filipina (tagalo) de interpretação abreviada do Nobre Alcorão. - Índice de tradução

Tradução filipina (tagalo), de interpretação abreviada do Nobre Alcorão , emitido pelo Centro de Interpretação de Estudos do Alcorão.

Fechar